Magandang hapon po sa lahat at happy Lord’s day po. Noong 19th century meron isang alamat kung saan isang araw daw ay nagkasalubong si Truth at si Lie. Ayon sa kwento na ito, nag-spend daw sila ng maraming time together hanggang sa umabot sa punto na sila ay nagkayayaan na maligo sa isang balon. So inalis nila ang kanilang mga damit at sabay silang sumisid sa balon. Kaso itong si Lie ay agad-agad na umahon at ninakaw yung sinusuot na damit ni Truth at siya ay tumakbo sa kalapit na bayan. Nang malaman ni Truth na ninakaw ni Lie ang damit niya, galit na galit niyang hinanap si Lie para bawiin yung damit niya. Pero nung makita nung mga villagers si Truth na walang suot, nakita nila yung naked Truth, kinasuklaman nila ito. Dahil si Truth ay hiyang-hiya sa mga tao, bumalik na lang siya sa balon at hindi na muling nakita pa. Samantala si Lie ay patuloy na lumilibot sa buong mundo covered by the clothes of Truth.
Sa panahon natin ngayon, marami ang ayaw sa katotohanan at marami ang sumusuporta sa inaakala nilang truth pero underneath that is the lie. They are living a life for a lie. May we not end up supporting lies or lies that are covering up as truths. May we become truth supporters. And our text for this afternoon is from Third John. So magkakaroon po tayo ng break sa ating Genesis series for the this Lord’s Day and the next one, God willing. And we will read verses 1 to 8 for this afternoon. Third John verses 1 to 8. Hear now the words of the Living God. The elder to the beloved Gaius, whom I love in truth. Beloved, I pray that all may go well with you and that you may be in good health, as it goes well with your soul. For I rejoiced greatly when the brothers came and testified to your truth, as indeed you are walking in the truth. I have no greater joy than to hear that my children are walking in the truth. Beloved, it is a faithful thing you do in all your efforts for these brothers, strangers as they are, who testified to your love before the church. You will do well to send them on their journey in a manner worthy of God. For they have gone out for the sake of the name, accepting nothing from the Gentiles. Therefore we ought to support people like these, that we may be fellow workers for the truth. May the Lord add blessing to the reading of His word.
Almost fifty five years pagkatapos ng resurrection and ascension ng ating Panginoong Hesus, si John na isa sa mga twelve apostles, at tinatawag din na “beloved disciple,” is now an old man. At siya ay namumuno, namumuno na siya. Hindi bilang isang elder kundi also, bilang apostle hindi lang sa isang church, kundi sa iba’t-ibang house churches all throughout Asia Minor. So ang Asia Minor po today ay parte po ng bansang Turkey. At ayon sa isang commentary, ito pong tatlong sulat ni John, First John, Second and Third John ay posible raw na nakapaloob lamang sa isang package. So yung First John ay naka-format bilang isang written sermon more than..instead of a letter. At ito ay for public consumption ng iba’t-ibang house churches dun sa Asia Minor. Ang Second John naman ay malinaw na isang letter na nakatuon lamang sa isang particular na house church. At ang Third John naman ay isang personal letter para sa isang specific member ng isang church in that same community na ang pangalan ay si Gaius.
Now, bakit kailangang sumulat ni Apostle John sa mga churches na ito and even sa isang particular na member? And upon reading First John, makikita natin na may dating mga members from those churches under John’s oversight ang umalis from their membership. According to First John 2 verse 19, They went out from us, but they were not of us..According to John, yung pag-alis nila sa membership under an Apostolic local church, ay pruweba na hindi talaga sila kabilang sa mga true believers. So ang mababasa natin sa First John why these people left. They left because they don’t agree anymore to the major doctrinal points of the Gospel like the true humanity of Christ. Ayon sa kanila, isa lamang illusion yung katawan ni Kristo. They even say na kapagka naglakad si Christ sa sand, hindi Siya nag-iiwan ng footprints kasi illusion lamang yung Kaniyang human body. Because of that, they also don’t believe na kailangang mamatay ni Kristo sa krus para maging kabayaran sa mga kasalanan kasi paano nga naman mamamatay si Christ sa cross kung hindi totoo yung katawan Niya, kung wala Siyang totoong katawan that is capable of dying. At marami pang ibang mga false teachings.
Now, since these people believe in lies and falsehoods, their beliefs bleed out to how they live. According to John, they walk in darkness, their lives are characterised by sinful licentiousness and hatred towards God and His people. And throughout the letter of John, he calls them liars, deceivers and even antichrists. Imagine how dangerous it is for the members to encounter one of these defectors. Posible ba na makahatak pa sila ng mga church members kahit wala na sila sa membership? Yes. According to First John 2 18, sa Second John verse 7, these deceivers are deliberately sending out false teachers and they have gone out into the world. So parehas sa panahon natin ngayon. Kung merong mga faithful preachers and teachers na nagtuturo ng truth ng Gospel, naglipana rin po ang mga false teachers sa buong mundo at nagkakalat sila ng kasinungalingan. Kaya naman bilang isang masigasig na pastor, sumulat si Apostle John upang ma-proteksyunan yung kaniyang flock at the same time, ang sabi niya sa First John 4 1, kailangan silang matuto na mag-discern whether ang nagtuturo sa kanila ay isang totoong teacher o false teacher. Ang sabi niya sa First John 4 1, Beloved, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, for many false prophets have gone out into the world. John exhorted the churches not just to believe everything that the hear or just accept any teacher that stands in front of them. Bakit? Kasi pwedeng sabihin ng isang false teacher that he also believes in Christ and in the gospel. Pero kapag sinuri mo na yung kanyang teaching, ay ibang christ pala at ibang gospel pala yung tinutukoy niya. So the churches must test every spirit that is they must test every person, every teacher, whether they stand with the apostles’ teachings or not. And at the same time, yung titignan nating anggulo ngayong hapon, bukod sa protection for their own soul and their local congregation’s health, another purpose kung bakit kailangan ang discernment ng mga churches ay para malaman nila kung sino ang kanilang susuportahan. Saan nila dadalhin ang kanilang support? You see in their times, churches send out itinerant preachers or traveling preachers to spread our their teachings. Let us take note, wala pa pong internet nung mga time na ito. And their way of spreading their message is through their writings or through these traveling preachers. And when a traveling preacher visits a place that is near your local church, your local church is expected to support that preacher in terms of lodging, food and even arrangements for his next travel. Ganyan ang meaning nila when they say hospitality sa New Testament.
So, nagbigay din ng warning si Apostle John tungkol dito. He instructed the churches to discern the teachers para malaman nila, susuportahan ba natin ito o hindi. For example gaya ng binasa natin kanina sa Second John verse 10 to 11. He instructed the church not to receive someone who does not abide in the teaching of Christ. He even instructed them not to greet the false teachers. That is don’t give them an ounce of approval or hospitality, nor seek to be associated with them, lest you participate in their evil deeds. If that is the exhortation in Second John, the other side of the coin is found in Third John. They must support those who propagate the truths of the Gospel.
Isinulat ni John itong third letter kasi parang may isang leader na nag-o- overreact dun sa kaniyang instruction in Second John. And instead of just refusing to support the false teachers, eh, sobrang extreme niya. He even exclude the true teachers, pinagsasarahan niya rin ng pinto yung mga totoong teachers. Ang pangalan niya ay si Diotrephes. Mas makikilala natin siya next week, God willing. Inexpose ni John ang error ng leader na ito but at the same time, he commended Gaius. Gaius, who on the other hand, is continously supporting those who teach the truth. So ayon kay John, mali yung basta na lang natin suportahan lahat ng teachers at mali rin naman yung pagsarhan natin yung lahat ng teachers. Instead, the church must discern. At paano naman nila malalaman kung ang isang teacher ay totoo o false? Ang sabi niya kailangan nilang gamitin yung pag-sala o yung pag-screen, okay. Anong tawag niya doon? Ang tawag niya doon ay The Truth, okay. And as we will see later, this is not just truth as opposed to lies and falsehood. Yung definite article na “The” shows us that this specific kind, this is a specific kind of truth. In his letters, John used this phrase to pertain to the correct understanding of the person and work of Jesus Christ. That leads a true believer to live a holy life. These truth is the truth concerning the Gospel of Christ that saves sinners and sanctifies saints. As Ephesians chapter 1 verse 13 says this message of truth is the Gospel of your salvation and Colossians 1 5 says this word of truth is the Gospel.
So bago nila suportahan yung mga traveling teachers, tignan po muna nila. Titignan muna nila, parehas ba yung gospel na tinuturo ng mga ito sa mga apostles. And a church can only discern whether someone teaches the truth of the gospel if they themselves are walking in the truth like Gaius. Or we can say that they will discern the truth if the saints in that church are saturated by the truth of the gospel. At totoo pa rin po yan hanggang ngayon mga kapatid at mga kaibigan. Kung hindi tayo puno ng katotohanan ng ebanghelyo at hindi puno ng ebanghelyo ang ating puso at isipan, mahihirapan tayong malaman kung saan dadalhin yung suporta natin. Kung saan dadalhin yung oras, lakas, kayamanan and even ang buong buhay natin. But if you want to lay down your lives supporting the truth and the spread of it, then we’ve got to consume and be consumed by that same truth of the Gospel. And that is the message for this afternoon. Truth-saturated Saints Support The Spread Of The Truth. Ang kristiyano na puspos o punung-puno ng katotohanan ng ebanghelyo ang mga sumusuporta sa paglaganap nito. So hatiin po natin ang mensahe na ito sa dalawang punto. Dun sa unang punto, titignan natin ang kahalagahan, ang importansiya ng pagiging Saturated By The Truth. Susuriin naman natin yung bunga noon sa ikalawang punto, Supporter Of The Truth.
Let’s consider the first one, Saturated By The Truth. In verses 1 to 4, mainit yung panimulang bati ni John kay Gaius. At dito pa lang makikita na natin sa kaniyang sulat yung very noticeable na paulit-ulit niyang paggamit ng salitang “truth” sa kaniyang greetings. He said that Gaius is someone that he loves in the truth. He said that the brethren testified to Gaius’ truth. And ultimately, sa verse 4, sabi niya, sa verse 3 and verse 4, ang sabi niya, nagagalak siya dahil si Gaius ay, he is walking in the truth. Now gaya po ng sabi natin kanina, the truth pertains to the truth of the Gospel. So when John says, he loves Gaius in the truth ang ibig sabihin noon, ang basehan ng kaniyang pag-ibig para kay Gaius ay yung pagbubuklod sa kanila ng ebanghelyo. So hindi lang yung emosyon niya, basta yung emosyon niya or yung preference niya yung basehan ng pag-ibig niya kay Gaius. It is the Gospel that binds them. And also, when John said that the brethren testified to Gaius’ truth, it means na sobrang evident ng Gospel sa buhay ni Gaius to the point na hindi ito maitanggi ng ibang brethren. Yung mga brethren na meron ding discernment, hindi nila maitanggi na si Gaius ay namumuhay ayon sa katotohanan ng Gospel. And ofcourse kapag sinabi ni John that Gaius is walking in the truth, it means that the pattern and the direction of his life is based in the truth of the Gospel.
So makikita po natin dito na si Gaius ay isang kristiyano na saturated, o sobrang babad sa katotohanan ng Gospel. Hindi na maitanggi ng mga kasama niya and also yung leader above him ay sobrang nagagalak dahil siya ay nabubuhay ayon sa Gospel. Pero pag-isipan po nating maigi. Paano naging evident ang truth sa buhay ni Gaius? And we must first and foremost say that is only by the sanctifying work of grace ng Lord sa buhay ng isang kristiyano. But at the same time, let us also notice, before umabot sa ganitong punto si Gaius kung saan kitang-kita ang truth sa kaniyang buhay, una nang sinakop ng katotohanan ang kaniyang isipan at ang kaniyang puso. Before Gaius walked in the truth, the truth is already running in his head and in living in his heart. What we can see is this: when the truth of the Gospel saturates a believer, it influences and directs that believer’s mind, affections and ultimately, his actions. So hindi lang yung isipan niya ang puno ng katotohanan. Bumababa rin yung katotohanan sa puso niya to the point na sobrang convinced siya sa truth na ang bawat desisyon niya sa buhay ay directed by the truth of the Gospel. Yan ang nangyayari mga kapatid kapagka sina-saturate o kapag nanunuot ang katotohanan sa buhay ng isang tao. See, maulan po ngayon at malamig. Masarap uminom ng kape or mag-tsaa. Ako po kasi nasa tsaa na po ako ngayon eh, sumasakit na yung tiyan ko sa kape. Kapag ang isang bag of tea ay inihalo mo sa mainit na tubig, unti-unting manunuot yung essence ng bag of tea na iyon sa sa bawat parte, sa bawat sulok ng mainit na tubig na iyon. At habang tumatagal yung pagbabad ng tsaa sa tubig, binabago nito yung kulay, yung amoy and ofcourse yung lasa ng mainit na tubig hanggang umabot sa punto na hindi na iyong tubig ang nagdidikta ng kalidad ng inumin na iyon, kundi yung tsaa na hinalo mo. Pag makita natin yung tasa na iyon, hindi natin sasabihin na “uy, uminom ka ng mainit na tubig”. Hindi. Sasabihin natin: “uminom ka ng tsaa.” Kasi nagbago na yung kalidad, yung quality ng inumin na iyon. And in the same way, masasabi natin na saturated ng truth ang isang tao kung ang nagdi-direct sa bawat ng parte ng buhay niya ay hindi na yung sarili niyang pamantayan kundi yung truth ng Gospel na makikita sa salita ng Diyos.
Nanunuot ba ngayon ang katotohanan mga kapatid at mga kaibigan sa bawat parte ng buhay mo? Nanunuot ba ang katotohanan sa isipan, puso at sa mga gawa mo? You see, most of the time ang nagiging pitfall natin ay yung isipin lang natin na hey, mind lang naman ang kailangan, mind lang naman ang naaapektuhan ng truth at wala itong epekto sa aking damdamin, wala itong epekto sa aking mga gawa. Now, malalabanan natin yung error na iyan by reminding ourselves brother, sisters and friends that the truth is not just another topic to be studied. Please don’t get me wrong. Hindi po ako anti-intellectual. Hindi ko isinusulong na hindi dapat tayo mag-isip o mag-aral para malaman ang katotohanan. But at the same time, kailangan po natin makita that the truth of the Gospel is anchored not on an abstract idea but on a Person who claims He Himself is the Truth.
The truth concerning the Gospel is anchored in the person and work of Jesus Christ. The truth personified. He is the ultimate basis of truth and reality. Now ano’ng ibig sabihin niyan mga kapatid? That means that though knowing the truth involves the exercise of diligent study, may we not forget that it also involves loving the person of Christ, the Incarnate Truth and obeying His commandments. You see the pursuit of the truth involves and affects our minds, our hearts, our affections and our actions,, ultimately our whole life. At iyan ang unang challenge natin ngayon mga kapatid: Let Us Seek To Be Saturated By The Truths of the Gospel. May it fill our minds, inflame our affections for Christ. And may it become so evident in our actions for our obedience to our Lord. Isa sa mga dapat nating ipagpasalamat sa mga panahon natin ngayon ay yung sobrang daming resources na available na available for us to be informed by the correct doctrines and teachings. We’ve been blessed by the internet and also the smartphones na anytime, pwede nating hugutin kung may gusto tayong malaman about something. Pero dapat din po tayong mag-ingat. Mga kapatid, hindi natin pwedeng i-equate ang dami ng alam natin sa pagiging saturated by the truth. It is possible, sad to say, that we are so well-informed about the correct doctrines and teachings pero naiiwan lang dun sa isipan natin or worse, nananatili lang dun sa mga screen natin yung katotohanan. Well, nagkaroon na tayo ng mga smartphones at umoonti ng umoonti yung mga nagkakabisa ng Scripture kasi anytime pwede mong hugutin. Nakakalungkot po iyon at hindi na nanunuot at bumababa yung katotohanan sa ating puso na nagp-produce ng godly affections na siyang nagtutulak sa atin para kumilos nang naaayon sa truth ng Gospel.
So the question is this: paano bababa at manunuot sa ating mga puso ang biblical at Gospel truths that are so available in our time today? First, let us not skip the obvious. We need to fill our minds with the truths. Kailangan nating mag-aral, kailangan nating magbasa, kailangang makinig ng faithful teachings. But also, if we want that truth sa ating isipan ay bumaba sa ating affections, then we must apply what the old theologians call “The Lost Art of Meditation.” Now just to be clear, iba po yung mga meditation ng mga pagan religions sa christian meditation.
According to Thomas Watson in his book: A Christian On The Mount A Treatise Concerning Meditation, ganto po niya dinefine ang meditation: “Meditation is the soul’s retiring of itself, that by a serious and solemn thinking upon God, the heart may be raised up to heavenly affections.” So according to him, kung nais nating mag-meditate bilang mga kristyano, dapat tayong umiwas sa worldly cares at worldly distractions. Yun ang ibig sabihin ng ‘ the soul retiring to itself’…para kang nagsosolo pero hindi yung katawan mo yung nagsosolo, nagsosolo yung kaluluwa mo at niri-rid mo yung katawan mo of the worldly distractions. At magkakaroon tayo ng seryoso, magkaroon tayo ng seryoso at taimtim na oras sa pag-iisip tungkol sa Diyos. At hindi dapat ito minamadali, mga kapatid. Ang sabi pa ni Thomas Watson, gawin natin ito hanggang magkaroon tayo ng heavenly affections. That is until the affections of our hearts are healed of its coldness toward God. Huwag tayong pumayag na marami tayong alam in theology pero malamig naman yung ating pagsamba sa ating Panginoon. Take note na hindi masama na magkaroon ng affections mga kapatid at ng emotions as long as ito ay naka-base sa truth ng Gospel.
Now, the theologians said that this discipline and means of grace has been lost. And I think especially in our time today, dahil sobrang daming worldly distractions naka-paligid sa atin, now compared to our generations today to the Puritans who are well known (sabihin ko sana who are notorious pagdating sa meditation). According to Joel Beeke, expected daw ng mga Puritans ang mga kristiyano na mag-meditate araw-araw. You see, tayo, we are instructed to have our private time for prayer and reading of the Word, right. Pero ang mga Puritans daw, ang sasabihin nila, dapat meron kang private time for prayer, reading of the Word and meditation. So, hindi nila inaalis sa spiritual disciplines nila ang meditation. Naglalaan sila ng oras araw-araw para mag-pause, mag-reflect sa mga narinig nilang sermons, sa mga nabasa nilang biblical passages o ibang libro. At ano ang resulta noon? Mga kristiyano na saturated by the truth. You know, I love the Puritans not just for their theological prowess ng kanilang mga isipan, but also for their deep convictions ng kanilang mga puso and also the faithful living of their lives. At nagb-bleed out sa mga pamilya, sa mga churches, sa mga trabaho nila yung katotohanan na sobrang nanunuot sa buhay ng mga Puritans.
Now, isa si John Bunyan sa mga truth-saturated Puritans na ito. And according to Tim Challies, si Bunyan daw ang pinakakilala, ang pinaka-famous sa lahat ng mga Puritans maybe because of his book, The Pilgrim’s Progress. Now, bukod sa libro na ito, may pinublish din si Bunyan na around fifty plus other books. So napakarami niyang na-produce na mga libro at hindi lang sa libro makikita ang pagiging truth-saturated ni Bunyan. Nakikita rin ito sa kaniyang pagkakulong dahil sa sobrang tapat ng pagp-preach niya, sobrang faithful ng pagp-preach niya. After two centuries, mababasa ni Charles Spurgeon ang mga sulat ni Bunyan at ano ang comment ng Prince of Preachers sa mga nabasa niyang gawa ni Bunyan? Sabi ni Spurgeon: “Read anything of his, and you will see that it is almost reading the Bible itself. He had read it till his very soul was saturated with Scripture. This man is a living Bible. Prick him anywhere, his blood is bibline. The very essence of the Bible flows from him. He cannot speak without quoting a text for his very soul is very full of God. I commend this example to you beloved.” Now sabi ni Spurgeon, sobrang saturated daw sa Scripture ni Bunyan na kung hihiwain mo siya kahit saan, ang lalabas daw sa kaniya ay ang katotohanan ng Salita ng Diyos dahil nananalaytay sa dugo niya ang katotohanan ng ebanghelyo. How about you and me, brethren? Ano kaya ang lalabas sa atin pag hiniwa tayo? Will we find the truth of the Gospel kung susuriin mo ang isip at puso mo? How about the words, actions and decisions in your life, do they reflect the truth of the Gospel? Are we so saturated by it that like Bunyan, we bleed the truth of the Gospel? Or, are we saturated by other things? Are our minds filled with worldly cares and deceptive distractions? Are our hearts cold toward God and do our works fail to reflect the truth of the Gospel?
Brethren, we need to repent of these sinful patterns but be reminded, my brothers and sisters, that we can only be sanctified, we can only repent from living a life that is saturated by lies and falsehood because our Lord Jesus Christ who is the Incarnate Truth truly lived a perfect life. He truly died in our place and for our sins and He also truly rose again from the grave, He truly saved His people from their sins, and He truly saturates them with the truth of His Gospel. Pero kung narito ka naman ngayon at hindi ka pa rin naniniwala sa katotohanan na ikaw ay makasalanan, at ang nararapat sa iyo ay maparusahan ng Diyos. Kung hindi ka pa rin naniniwala sa katotohanan na tanging si Hesukristo lamang ang makapagliligtas sa iyo sa pamamagitan ng Kaniyang pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay, muling pinapakita sa iyo ng Panginoon ang katotohanan ng Kaniyang Salita. Binibigyan ka Niya ng isa pang chance na para maligtas sa mga kasalanan mo at mula sa mga kasinungalingan ng mundo. At ang pakiusap ko sa iyo kaibigan, magsisi ka na sa iyong mga kasalanan at magtiwala ka kay Hesus, kay Hesus lamang para sa iyong kaligtasan. I hope that, I hope that God will save you and I pray that God will save you today so that you might join the saints in our pursuit to be saturated by the truth.
Now nakita natin kung gaano ka-importante ang maging saturated by the truth. Now, titignan naman natin sa pangalawang punto ano yung resulta kapag ang isang tao ay saturated by the truth. At siya ay nagiging Supporter Of That Truth. Nasabi na natin kanina na very evident sa buhay ng isang kristiyano kapag siya ay saturated by the truth. At totoo yan sa buhay ni Gaius. You see, since he is filled by the truth of the Gospel, he supports the traveling preachers to proclaim the truth of the Gospel. Gaya ng sinabi natin kanina, sinusuportahan niya ng mga nearby churches yung mga traveling preachers in terms of lodging, food and travel arrangements, etcetera. At ito mismo yung ginagawa ni Gaius. Kapag na- discern nya na o! faithful teacher ito at malapit sa akin, susuportahan niya. Hindi niya pinagkakaitan ng suporta yung mga nagtuturo ng katotohanan. At hindi lang yun, ang sabi ni John, si Gaius daw ay faithful, diligent at very loving as he extends his support to these teachers. Hindi siya napipilitan, hindi siya napipilitang sumuporta. And suporta niya ay galing sa pagiging punung-puno niya ng katotohanan. And that’s why John commended Gauis and all the more encourage him to continue supporting the faithful preachers and be a fellow worker of the Truth. Klaro as text natin na once ang isang tao ay saturated by the Truth ng Gospel, it is either siya mismo ang magpapalaganap nito o gaya nang nakita natin kay Gaius, susuportahan niya ang paglaganap nito by those who preach and teach the true Gospel. Either way, we could see that one of the result or fruit of being saturated by the Truth, is supporting the spread of it.
Now kapag ang isang puno ay punung-puno ng minerals at nutrients dahil siya ay mayroong malusog na lupa, malinis ang supply ng kaniyang tubig at nakatanim din siya ng kung saan maayos, maayos siyang nasisikatan ng araw.
Now ang punong ito ay kusang magbubunga. Hindi mo kailangang pilitin na mamunga yung puno na iyon dahil siya ay well supplied ng nutrients. At ganun din naman kung saturated ng katotohanan ang isang kristiyano. Dahil siya ay parating nakadikit o naka-abide sa walang hanggang nutritious supply ng truth na nagmumula kay Kristo. Imposible na hindi siya mamunga. At isa sa bunga ng pagiging babad sa katotohanan ay yung pagsuporta sa paglaganap o pag- spread nito.
Bukod kay Gaius, meron ding isang babae sa Acts chapter 16. Ang pangalan niya ay Lydia. Ang sabi sa verse 14, the Lord opened her heart. Binuksan ng Panginoon ang puso niya para magsisi at maniwala sa katotohanan ng Gospel of Christ. At dahil bumugso ang katotohanan sa puso, ano ang naging bunga? She opened her house to support the teaching ministry of Paul and Silas. And eventually, yung bahay nya ang naging isa sa mga house churches doon sa Philippi. God opened her heart to the truth and she opened her house to support the spread of the Truth. Now, we must also take note that Gaius and Lydia support the spread of the spread of the Gospel not because they want something back for themselves. No, hindi yun ang kanilang motivation. Hindi ipinag-suporta niya yung bahay niya sa ministry ni Paul and Silas dahil pinangakuan siya na magkakaroon siya ng mas malaking bahay kapag isinuporta niya yung kaniyang bahay. At hindi rin sumuporta si Gaius sa mga faithful preachers dahil pinangakuan siya na mas gagaan yung buhay niya kapag sumuporta siya sa kanila. No. Gaius and Lydia simply support the preachers of the Truth out of gratitude….out of gratitude. They are just grateful for the Gospel that saves them and they want also others to hear this message of the Truth that saves them. Wala silang ibang motivations sa kanilang pagbibigay, sa kanilang pagsuporta sa mga preachers at teachers ng Gospel kundi ang kanilang mapagsalamat na puso dahil sila ay iniligtas ng Panginoong Hesus at nais din nila na ang iba ay maligtas din. At sapat na na dahilan iyon, brothers and sisters. That is enough reason for truth-saturated believers. There is no need for fear or manipulation para magbigay sila ng suporta. It only takes gratitude for their own salvation and compassion for the lost for them to support the spread of the truth of the Gospel in any way they can.
So brethren, here is my question: are you grateful that eventhough you deserve the wrath of God, you receive mercy and grace through the Gospel of Jesus Christ? And are you someone who has compassion for those souls who are not yet saved that also need to hear the truth of the Gospel? Then I challenge you brethren, support the spread of the truth of the Gospel in any way you can. Ofcourse when we say “anyway,” that is any lawful way, okay. Hindi naman natin kailangan gumawa ng kasalanan para ma-spread ang truth, okay. But anyway, in a sense, na kung ano ang gifts na ibinigay sa iyo ng Panginoon, ay gamitin mo iyan para suportahan ang paglaganap ng ebanghelyo. Sabi ni Paul sa Romans 12 verse 6, Having gifts that differ according to the grace given to us, let us use them, okay. That is the command in that verse…use them! And in the following verses, nagbigay siya ng examples, so sabi niya, the one who exhorts, in his exhortation; the one who contributes, in generosity; at iba pa.
Now kailangan din nating i-take note, i-take for consideration na kailangan ng wisdom kung papaano gagamitin ang mga gifts na ito. And also, kailangan din nating i-consider yung unity at harmony ng buong iglesiya. Kasi baka naman may dahilan na ay, gusto ko muna gamitin ang aking gifts pero hindi siya nagiging useful for the church. Then our gifts are given by the Lord para magkaroon tayo ng pakinabang sa ating mga kapatid. Pero ang mas matinding prublema po ay ito: kapag hindi natin ginagamit ang mga gifts at resources na ibinigay ng Diyos, or worse, ginagamit natin ito not to support the spread of the Gospel but the spread lies and deception. Paano nangyayari iyon? Nangyayari iyon kung mas sinusuportahan natin yung ibang bagay, yung mga makasalanang bagay instead of supporting the spread of the Gospel. So mga kapatid, saan napupunta ang suporta mo recently? Or specifically, saan mo dinadala yung oras mo? Yung pera mo? Yung lakas at buhay mo na galing sa Diyos? Ginagamit mo ba ito para sa glory Niya? Ginagamit mo ba ito para i-spread ang Kaniyang Truth? O isinusuporta mo ba ito doon sa kasinungalingan o sa kalaban ng katotohanan ng ebanghelyo? May we truly repent if we are squandering our Lords gifts and resources instead of using it to support the spread His Truth.
Now si William Carey ay isang Baptist missionary. Marami nang beses na narinig natin siya sa mga preachings. Kilala rin siya na The Father of Modern Missions. Nagsimula ang mission niya sa India noong taong 1793. At tumagal ito ng forty one years, walang putol, okay. At sinubukan niyang abutin yung mga tao na kailanman ay hindi nakarinig ng katotohanan ng ebanghelyo. Now si William Carey ay originally na taga England. At bago siya umalis sa kaniyang church, sa kaniyang bansa para pumunta sa India, bago siya umalis, nakipag-meet muna siya sa apat na leaders ng kanilang Baptist Missionary Society. So, isa sa mga naka-meet niya ay si Andrew Fuller. So ang sabi ni Andrew Fuller, ang pagpunta raw ni Carey sa India ay parang pagbaba sa napakalalim na hukay. And William Carey famously responded “I will go down into the pit if you will hold the ropes.” At maraming mga missions, ministry ang gumamit ng kaniyang, ng term na iyan: holding the rope ministry. So ibig sabihin sila yung mga taga-suuporta ng mga missionaries. And that is a beautiful metaphor for missions. There are those who go down the pit, they are the ones who teach the Truth of the Gospel especially to the unreached people groups and there are those who hold the rope. Those support the missionaries. Know brethren that both of them feel the pain habang bumababa yung mga missionaries na iyon sa hukay, ramdam din ng mga nakahawak sa lubid yung sakit, okay. Parehas silang nagl-labour. Parehas nilang nararamdaman yung sacrifice just to spread the Truth of the Gospel. But also, both of them participate in the joy of being a part of God’s mission to proclaim the Gospel to all the nations. Parehas nasasaktan pero parehas na nagkakaroon ng joy in doing the work of God. And may we not fail brothers and sisters, may we not fail to join those groups of men and women who support the spread of the Truth of the Gospel. At walang ibang motivation, just because they are so grateful for the Lord Jesus Christ and they are so compassionate for those people who don’t yet hear the Gospel truth.
Now as conclusion, being a supporter of the Truth of the Gospel is a fruit of being saturated by it. And we become saturated by it when we fix our eyes to the Truth personified, Jesus Christ our Lord. And may the Lord give us grace to live according to the Truth of His Gospel.
Let us pray. Our Father in heaven, Lord, You are the God of Truth oh God. And thank You oh God for sending Your Son, Jesus Christ so that we would know You, so that we would know the Truth oh God. At hindi Ka lang namin basta pag- aralan katulad ng isang topic kundi Panginoon mahalin ka namin bilang aming Diyos na nagpakita sa amin ng katotohanan. Lord, dalangin ko po ang patuloy na paglago ng iglesiya na ito hindi lang sa pagkilala, hindi lang sa pag-alam kung ano ang totoo kundi sa pagmamahal at pagsunod sa aming Panginoong Hesus. Dalangin ko po Lord God na maging totoo sa aming mga buhay yung mga narinig namin ngayon. That Lord, that we would be saturated by the Truth. Tulungan po Ninyo kaming mag-meditate oh God sa Inyong Salita. Dalangin ko po na tulungan Niyo kami na alisin yung mga distractions sa aming mga buhay so that the Truth ng Inyong Gospel ay talagang bumaba sa aming mga puso at makita sa aming mga buhay. And help us oh Lord na ialay ang aming mga buhay, ang aming mga oras, ang aming mga kayamanan, at aming mga pag-aari para sa paglaganap ng katotohanan sa mga hindi pa naaabot nito. Dalangin ko po oh God na tulungan Niyo po kami na sumunod sa Inyo at sumunod sa Inyong Truth. We pray this in Jesus’ Name. Amen.