The Reconciling & Refreshing Gospel (Philemon 17-20) by Bro. Glen Guevara

Taong 1736 nung naging magkasama sa ministry sina George Whitefield at John Wesley. Si Whitfield ay gifted pagdating sa outdoor evangelism, at si Wesley naman ay gifted pagdating sa teaching at instruction. Ang combination ng kanilang mga giftings ay nag-cause ng revival nung mga panahon na iyon. Kaso nagkaroon sila ng matinding pagtatalo sa doktrina ng predestination. Noong 1740, marami ang nag-describe na nagkaroon silang dalawa ng angry debates patungkol sa doktrina. Si Whitfield ay leaning toward Calvinism. At si John at ang kapatid niyang si Charles Wesley ay, ang sabi ng mga articles, and I quote, “unshakeable Arminians.” Tumagal din ng ilang taon ang pagtatalo nila, pero buti na lang natutunan nilang mag-unawaan at tanggapin ang isa’t isa, and eventually sila ay nareconcile as brethren. Ang patunay na napatawad at natanggap nila ang isa’t isa ay yung historical record bago pumanaw, at nung tuluyan nang pumanaw, si Whitefield. At ayon kay JD Walsh, and I quote, “In 1770, the year of his death, Whitefield wrote to Charles as my very dear old friend, and described John as your honoured brother. To each he bequeathed a mourning ring, or nagbigay siya ng isang mourning ring, ang sabi niya, ‘in token of my indissoluble union with them, in heart and Christian affection, notwithstanding our difference in judgment about some particular points of doctrine. On Whitefield’s death, Charles spent a noble elegy – or isang tula, na parang eulogy pero tula – and at Whitfield’s request, his funeral sermon was preached by none other than his former opponent, John Wesley.

Now, it is really refreshing to hear stories like this. And in the same way, the story of Philemon and Onesimus in our text today will show us that true reconciliation is possible through the reconciling and refreshing Gospel. Our text for this afternoon is Philemon verses 17 to 20.

And these are the words of God: So if you consider me your partner, receive him as you would receive me. If he has wronged you at all, or owes you anything, charge that to my account. I, Paul, write this with my own hand: I will repay it—to say nothing of your owing me even your own self. Yes, brother, I want some benefit from you in the Lord. Refresh my heart in Christ. Thanks be to God for the reading of His Word.

Now sabi ng isang commentary, “Reading Philemon is like coming into the middle of a movie and having to catch up on who the characters are and what has already happened in the plot.” Tama yun, kung hindi natin kilala ang mga characters at hindi natin alam yung reason ni Paul bakit niya isinulat, maaaring hindi natin maintindihan, o mabawasan yung appreciation natin sa maikli pero napakayamang sulat nito ni Paul. Kaya naman importante na reviewhin natin, bakit nga ba sinulat ni Paul ang liham na ito? Sino nga ba si Philemon, sino nga ba si Onesimus, at ang iba pa? At ano ang significance ng istorya na ito sa buhay natin ngayon?

Now according sa napakaraming records, si Philemon daw ay isang Kristiyano na na-save dahil sa tatlong taon ng ministry ni Apostle Paul nung siya ay nasa Ephesus. Matapos ang ilang panahon, bumalik si Philemon sa kanyang bayan, doon sa city ng Colossae. Kasama niyang bumalik si Epaphras, isa ring Kristiyano na taga-Colossae, at sila ay nag-minister sa kanilang mga kababayan, at doon naipanganak ang Colossian church, na etong Colossian church ay nagmmeet regularly sa bahay ni Philemon.

Now this gives us a hint na itong si Philemon ay isang mayaman na tao, posible na siya ay isang successful na businessman, at sa kanyang sambahayan ay mayroong mga alipin o slaves. At gaya po ng nasabi natin sa mga nakaraang preaching, iba po ang slavery nung time na ito compared doon sa may racial slavery na possible na alam natin ngayon. Yung slavery noong time na ito ay form of employment at hindi limitado sa menial task yung mga trabaho nila, yung iba ay skilled slaves na kayang mag-manage ng business, mag-aral at mag-practice ng medisina, at iba pang matataas na uri ng trabaho.

Now in light of that, si Philemon ay mayroong alipin na ang pangalan ay Onesimus. And since Philemon is a Christian master, there is a great probability that he is a kind and generous slave owner. Baka nga itinuring pa niyang pamilya itong si Onesimus. But in spite of that, Onesimus ran away, possibly stole a large amount of money or possession from Philemon, at para ma-sustain ang kanyang fugitive lifestyle, tumakbo si Onesimus papunta sa Rome. Now bakit pumunta siya sa Rome?

Noong mga panahong ito, dalawang malaking kaso po ang pagtakas at pagnanakaw mula sa amo. So para siya ay makapagtago, makapag disguise, pumunta siya sa isang populated city katulad ng Rome, at doon maraming fugitive slaves na namumuhay ng patago para hindi sila mahuli at maparusahan. At doon nabuhay si Onesimus sa kadiliman at kasalanan.

Now, kailangan din po nating i-take note na since doon sa bahay ni Philemon nagmmeet ang church, ibig sabihin, nappreach doon freely ang Gospel, at noong si Onesimus ay tumalikod kay Philemon sa kanyang master, hindi lang basta si Philemon ang kanyang tinalikuran, tinalikuran niya rin ang

Church, tinalikuran niya rin ang faithful preaching ng Gospel, at yung pagkakataon na siya ay maligtas mula sa kanyang mga kasalanan.

Now, we can see na nakatakas si Onesimus mula sa earthly master niya na si Philemon, ngunit hindi siya nakatakas mula sa Heavenly Master ng Earthly master niya. Tumakas siya mula sa bahay kung saan malayang nappreach ang gospel, only to encounter another preacher in Rome, na hindi man malaya at nakakulong ay tapat pa ring nangangaral ng ebanghelyo. At ito ay walang iba kundi si Apostle Paul. Walang takas si Onesimus mula sa grasya ng Diyos. He cannot resist it – the grace of God.

So pagkatapos niyang muling marinig ang gospel, siya ay nag-repent, naniwala sa Panginoong Hesus, siya ay naging tunay na Kristiyano, patuloy siyang nakinig kay Paul, at nagkaroon pa siya ng opportunity to serve at maging useful sa nakakulong na Apostle. Pero mga kapatid at mga kaibigan, alam pareho ni Onesimus at ni Paul na dapat siyang makipagsundo sa kanyang amo na si Philemon, na ngayon ay kapatid niya na sa pananampalataya. Pero kung babalik si Onesimus sa bahay ni Philemon, at wala siyang dalang recommendation letter from Paul, maaari siyang pagbintangan na nag iimbento lang siya ng kuwento para makaiwas siya sa parusa niya.

Kaya naman sumulat si Paul sa kanyang beloved fellow worker na si Philemon, at sa buong church ng Colossae, at ang sentro ng kanyang mensahe ay iyong nasa verse 17 na binasa natin kanina: Tanggapin mo si Onesimus gaya ng pagtanggap mo sa akin. Tanggapin mo si Onesimus gaya ng pagtanggap mo sa akin.

But you see, kung ‘yun agad yung pambungad na mabasa ni Philemon, e baka mabigla siya at hindi mapagbigyan ni Philemon yung pakiusap ni Paul, kaya naman itong si Paul, maingat niya na kinompose ang kanyang mga salita, ginamitan niya ng “artful tact” yung kanyang sulat, para masigurado na tatanggapin ni Philemon si Onesimus, at matutulungan din si Philemon na itrato si Onesimus hindi lang bilang isang alipin na bumalik, kundi bilang isang kapatid sa pananampalataya.

So if we will review in verses 1 to 7, pinaalala muna ni Paul kay Philemon na sobrang evident ng pagkilos ng grasya ng Panginoon sa buhay niya. Isinulat ito ni Paul para makita ni Philemon na mayroon siyang kakayahan na tanggapin at patawarin si Onesimus dahil sa grace, o dahil sa biyaya, ng Panginoon sa kanyang buhay.

Last week naman sa verses 8-16, ipinaalam naman ni Paul kay Philemon ang pagbabago na ginawa ng Diyos sa buhay ni Onesimus. Ito naman ay sinulat ni Paul para makita din ni Philemon na dahil binago na ng Panginoon si Onesimus, e dapat bago na din ang kanyang pagtrato o pagturing dito.

So dito po sa mga previous verses na ito maingat na inilalatag ni Paul ang iba’t-ibang dahilan para gawin niya yung main request, at pagdating ng verse 17, malinaw na ibinigay ni Paul ang kaniyang primary request kay Philemon. Again: Receive him as you would receive me. That is the main request. Receive him as you would receive me. Tanggapin mo si Onesimus, patawarin mo siya, at i- welcome mo siya sa iglesia. Kung paano niyo ako itatrato, ganoon din ang iparanas niyo sa kanya.

Now ano po ang makikita natin dito mga kapatid? Especially mamaya pag nakita natin yung pag himay-himay sa mga verses, makikita natin na merong nirereflect, or merong nilalarawan ang mga relational reconciliation ng mga believers.

We can forgive, we can receive or accept one another, and we can also be reconciled to one another, dahil tayong mga Kristiyano ay nakaranas din ng forgiveness, acceptance, reconciliation, hindi lang sa kapwa tao natin, kundi sa ating Diyos mismo.

You see, like Onesimus, we run away from our Master. We even stole the very life that He gave, na dapat ay ginagamit natin to worship Him and serve Him. But instead of doing that, we rebelled against our God and we became enemies of God. Now because we were enemies of God, we don’t deserve to receive even the least of God’s blessings, let alone be reconciled to Him. We deserve nothing but His holy wrath against sinners like us.

Pero mga kapatid, dahil sa grasya at dahil sa mercy ng ating Panginoon, gumawa Siya ng paraan para tayo ay mapatawad, para tayo ay ma-reconcile sa Kanya. At siguro tinatanong ninyo, paano? Paano mare-reconcile ang isang makasalanan na tao sa banal na Diyos?

At according to Romans 5 verse 10, we were reconciled to God through the death of His Son. Christ fully satisfied the holy wrath of God against sin when He died on the cross and then He rose again from the grave. And because no more wrath is let for us Christian brethren, we now receive forgiveness. We are now reconciled to our God.

You see, this reconciliation to God is what we reflect when we pursue warm reception and reconciliation to one another. And that leads us to our message this afternoon. The church’s relational reconciliations are reflections of our greater reconciliation to God through Christ. Ang pagkakasundo-sundo natin sa isa’t-isa sa loob ng iglesiya ay sinasalamin ang mas dakilang pakikipag-sundo natin sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Now, anong ilang halimbawa upang makita natin yung reflection ng reconciliation natin sa isa’t-isa. Paano nito nire-reflect yung reconciliation natin sa Diyos? And we will see that in our first point, Imitated Reception. At ano naman ang resulta kapag nakita natin ang warm reception and reconciliation ng mga kapatiran? And we’ll unpack that in our last point, Immense Refreshment. Immense Refreshment.

Let us consider the first point, Imitated Reception. Makikita po natin sa verse 17 yung main plea ni Paul kay Philemon..and that is to receive Onesimus as he receives Paul. Now yung tanggapin pa lang po si Onesimus ay mabigat na na pakiusap. Napakabigat nun para kay Philemon. Ito ay alipin na tumakas at nagnakaw sa kanya. Tapos ngayon sasabihin ni Paul, tanggapin mo siya. Mabigat po iyon.

In several commentaries, the word “receive” is defined as a reception without remembering his faults or even the wrong he may have inflicted. Huwag mo nang alalahanin yung mga nagawa niyang mali. It also means to accept the presence of a person with friendliness, to welcome into one’s home or circle of acquaintances, okay. At mayroon pa pong isa. It also implies hospitality. To receive someone implies hospitality. At pag marinig po natin ang hospitality, ang naiisip natin siguro ay maybe one time dinner or lunch with our brethren sa bahay nila. But in their times, when they say hospitality, it means that they will consider a brethren or even a stranger to be a member of their household with the same status to the host of the home. Di ba po pag mayroon tayong honoured guest na posibleng mag-sstay sa bahay natin for several days, to assure him or her na welcome siya sa bahay natin, ano po sinasabi natin? “Feel at home.” Feel at home.

Now back to Paul. Ito po ang sinasabi kay Philemon, “bro, sabihin mo kay Onesimus, feel at home.” Feel at home, I receive you. This is my home pero dahil tayo ay mayroong fellowship in Christ, this is also your home. Pero hindi lang po iyon. There’s more! And sabi pa ni Paul, “receive him as you would receive me.” I- welcome mo ang slave na si Onesimus as if siya ay isang apostle. Make it extra special, right. Di ba po pag may bibisitang elder sa bahay nyo ano, extra special yung mga paghahanda, paglilinis, mga pagkain, alam mo ‘yon. You want to serve yung ginagamit ng Panginoon to minister the Word to you. Now, napakahirap po ito para kay Philemon. Kung nakita niya pa rin yung fugitive at magnanakaw na si Onesimus, hindi niya magagawa ito. Kaya po naglagay si Paul ng dalawang supporting elements para matulungan si Philemon na tanggapin si Onesimus.

Ang una niyang element na pinresent kay Philemon is the element of partnership. Nandun din po iyan sa verse17. Ang sabi ni Paul: If you consider me your partner..Nakita natin from the previous sermon na yung ‘partner’ na word ay rooted doon sa word ng ‘sharing’ in verse 6. And again, ang tinutukoy ni Paul dito ay yung true Christian fellowship that is based on the gospel of Christ. We should understand it like this: since they have a common faith in Christ, they now share a common life for Christ. And of course, implied po dito yung trusting and supporting kind of relationship so that they can both glorify Christ.

So what Paul is saying here is this: “Philemon, if you really trust me na totoo yung mga sinasabi ko about kay Onesimus, and if you believe that my request will display more of the glory of Christ. His forgiveness and His reconciliation, receive Onesimus.” Receive Onesimus.

Now if you are Philemon, pwede mo itong maisip, you may say ‘okay, Paul, naniniwala na ako sa iyo na talagang binago at niligtas itong is Onesimus. Pero kasi, ang laki nung halaga ng ninakaw niya! Tapos nung nawala pa siya, gumastos pa ako para bumili ng bagong slave na kapalit niya.’ Based po dun sa mga naka-record sa commentaries, parang three hundred thousand pesos ang katumbas yung isang slave nung mga panahon na ito. So, mahal magkaroon ng isang slave. At kapag tumakas ang isang slave, kailangan mo siyang palitan dahil mayroon siyang mga assignment doon sa bahay or maybe sa business. So siguro, naiisip ni Philemon, siguro iwe-welcome ko siya pero he must work for the losses. Kaya naman ang sabi ni Paul, if he has wronged you in any way, or owes you anything, charge it to me.

Notice, hindi po binalewala ni Paul yung pagkakamali at pagkaka-utang ni Onesimus. Actually, in-acknowledge niya. Pero ang sabi niya, kung meron siyang atraso o utang sa ‘yo, sa akin mo isisi. ‘Charge it to me’ or in other translation, impute it to me. At para maka-sigurado ka Philemon, ito ang pirma ko. I, Paul write this with my own hand.. And in those times, writing with your own hand implies formality and legal validity. It’s like saying: this is official, I will repay it. Or like a promissory note, “I owe you” signed, Paul.

Pero bago tanungin ni Paul kung magkano ang utang ni Onesimus, eto ang sabi niya, Philemon, hindi ko na babanggitin huh. Pero nakita po natin, binanggit niya pa rin ano. Napaka-tactful, napaka-artistic ng kaniyang pagkaka-compose. Binanggit niya pa rin; ang sabi niya: hindi ko na babanggitin, pero di ba may utang ka rin sa akin? Even your own self! Ano po ibig sabihin noon? Even your own self, sa akin mo narinig. It’s because of my ministry kaya mo narinig ang Gospel. Naligtas ka at nag-benefit ka spiritually, and in a way, may utang ka sa akin dahil ako yung ginamit ng Panginoon para marinig mo ang ebanghelyo. Pero, hindi ko na babanggitin iyon Philemon. Hindi ko na babanggitin yun. Very tactful. It’s a very tactful to say, Philemon, huwag mo nang singilin si Onesimus sa kaniyang material debt dahil ikaw nga na may spiritual debt sa akin, hindi na kita sinisingil. It’s the cancellation of debt.

Now, what do we see here brethren? We see a familiar pattern right? Para ma-reconcile si Onesimus kay Philemon, ang sabi ni Paul, i-trato mo si Onesimus na parang ako. At i-trato mo naman ako na parang Onesimus. Lahat ng pagtanggap mo sa akin bilang apostol at bilang kapatid, iparanas mo sa kanya. At ang lahat ng utang na meron siya bilang alipin, isisi mo sa akin. Saan natutunan ito ni Paul? Sino ang ginagaya niya? Whose reception, whose reconciliation is he imitating? Now, it’s so hard not to smell the aroma of doctrine like Substitutionary Atonement, Imputed Righteousness in righteousness of Christ in the statements of Paul. At para ding naka-hyperlink yung mga words niya sa Second Corinthians 5 20 to 21. Ano ang sabi doon? Therefore, we are ambassadors for Christ, God making his appeal through us. We implore you on behalf of Christ, be reconciled to God. Now paano po mare-reconcile sa Diyos ang isang makasalanan na tao? Verse 21.. For our sake he made him to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God.

Para ang isang tao ay ma-reconcile sa Diyos, dapat mangyari muna sa kaniya yung Great Exchange. Why is that? Great Exchange kung saan lahat ng kasalanan niya ay isisisi kay Kristo..it-trato at paparusahan si Kristo sa krus na para bang Siya ang gumawa ng mga kasalanan na ‘yon kahit na wala Siyang kasalanan. At yung mga makasalanang tao naman na nagtiwala kay Hesus ay it- trato as if wala siyang kasalanan na para siyang si Kristo dahil yung perpektong katuwiran naman ni Kristo ang isisisi or ang ii-impute naman sa kaniya. Now, dahil perpektong pinagbayaran ni Kristo ang lahat ng kasalanan ng lahat ng taong magtitiwala sa Kaniya, burado na ang lahat ng pagkakautang nila sa Diyos.

Gaya ng sabi po sa Colossians 2 verse 13 to 14 binasa natin kanina …God made alive together with him, having forgiven us all our trespasses, by canceling the record of debt that stood against us with its legal demands. This he set aside, nailing it to the cross. At dahil burado na ang mga parusa at utang dahil sa kamatayan ng Panginoong Hesus, at isinisi na ang perpektong katuwiran ni Kristo sa isang mananampalataya, siya ay napatawad na. Tinanggap at na- reconcile na siya sa Diyos.

Now, ito po yung reception. This is the kind of reception and reconciliation na ginagaya or ini-imitate ni Paul. We see here that the gospel of Christ provides the pattern for a Relational Reconciliations. It’s a pattern where sin is confronted and punished but also grace and mercy overflow for those who repent and believe. And it is only possible because Jesus paid all of the believers’ debt through His Substitutionary Death.

Ngunit, kung andito ka ngayon kaibigan, at imbes na magsisi ka sa iyong mga kasalanan, ito ay minamahal at itinatago mo. At imbes na magtiwala ka sa Panginoong Hesus, ay nagtitiwala ka sa sarili mong gawa para maligtas. O di kaya, wala kang pakialam sa mga spiritual na bagay. Kaibigan, nakakalungkot mang sabihin, pero ikaw ay nananatiling kaaway ng Diyos. Walang forgiveness at reconciliation kung wala ka kay Kristo. Kaya tinatawag ka muli ng Diyos ngayong araw na ito..repent of your sins and put your faith in Christ alone for your salvation and be reconciled to God.

Now, as for my brethren, knowing the truth that we have been reconciled to our God through Christ, it also empowers us to seek reconciliation whenever necessary.

And in light of those truths, we are challenged to Imitate the Pattern of the Gospel When Seeking Reconciliation…when seeking reconciliation. Brethren, kung gusto po natin ng tunay na reconciliation amongst us, kung meron man tayong nakasamaan ng loob o nakaaway, dapat nating alalahanin ang gospel ng ating Panginoong Hesus. You see, in the gospel of Christ, sin is not tolerated. Sin is confronted and even punished. But again, grace and mercy is freely given for those who are repentant and believes in the gospel. Now in our relationships, we must follow that pattern. Do not tolerate or hide sin. Brothers and sisters, confront it! Repent of it! Even make restitution if needed. The offended party should extend grace and mercy if your brother repents and ask for forgiveness.

Now, ano po ang prublema? Saan pumapasok ang prublema? The problem comes when we do the opposite. When we tolerate sin in our fellowship. Maybe out of laziness or we’re afraid to confront it because we are protecting the false peace in our midst. That’s the first error. Now the other ditch is to be so unforgiving na kahit na sobrang repentant na ng iyong kapatid eh ayaw mo siyang patawarin. Kapatid, kung nahihirapan ka pa ring magpatawad sa iyong kapatid, isipin mo na lang..mas malaki ang kasalanan na nagawa niya laban sa Diyos. Mas malaki! Mas marami siyang kasalanan na nagawa laban sa Diyos kumpara sa mga kasalanan na nagawa niya laban sa iyo. Pero dahil nanampalataya siya kay Kristo, pinatawad at tinanggap siya ng banal at matuwid na Diyos, hindi po ba? Ngayon, kung hindi mo siya mapatawad, kahit na napatawad na siya ng banal at matuwid na Diyos, isa lang po ang isinisigaw ng iyong hindi pagpapatawad. Isa lang ang isinisigaw ng puso mo, kapatid. Sinasabi mo sa sarili mo na ‘mas banal ako at mas matuwid ako kesa sa Diyos na nagpatawad ng madaming makasalanan.’

So brethren, meron bang dapat makipag-reconcile sa araw na ito? Dito sa ating munting iglesiya? How about po sa mga mag-asawa? Meron bang dapat ma-reconcile? Meron ba dapat pag-usapan? O sa mga magulang at anak o sa mga magkakaibigan? Meron bang dapat ayusin? Especially if you are both Christians. Remember that you are both forgiven because of the gospel of the Lord Jesus Christ. Extend the grace; extend the mercy. But also confront the sin. Huwag mong i-delay ang obedience mo kapatid. Makipag-ayos ka na sa lalong madaling panahon. At nawa’y gayahin natin ang pattern ng gospel whenever we are seeking reconciliation.

Now, ano po yung resulta kapag nakita natin yung warm reception at reconciliation amongst the brethren? And let us look at our last point, Immense Refreshment, immense refreshment.

In verse 20, Paul explicitly writes, he wants some benefits from Philemon.

Now the word ‘benefit’ here is closely related to the word ‘Onesimus’ which means ‘useful.’ Actually sa isang translation, ang sabi po sa verse na ito: ‘so brother, I shall use thee in the Lord.’ So sa asian world po, ang mga friendship at fellowship ay napagtitibay when they exchange gifts, services and even benefits to one another. So this is Paul, giving an opportunity to Philemon na i- reciprocate kahit kaunti lang yung spiritual benefits na natanggap niya mula kay Paul. How? By responding positively to Paul’s plea of reconciliation between him and Onesimus. Paul is saying it will be so useful to me brother if you will forgive and receive Onesimus. Why, why? Because my heart will be refreshed in Christ.

Now, tignan po natin yung word na ‘refreshed’ The word refreshed here also appears in verse 7. And nasabi po ni John MacArthur: “It is a military term used for an army who takes a march, stops and rest.” So isipin niyo po..isang pagod na pagod na sundalo at nagpahinga…refreshment, okay. Eto ang sinasabi dito ni Paul. Alam mo Philemon, ako ay parang isang sundalo.. Marami na akong laban na kinakaharap; marami na akong mga suffering para sa gospel. Ngayon ay nakakulong pa ako dito sa Rome, nagsu-suffer para sa gospel ng ating Panginoong Hesus. Pero alam mo, kung papatawarin mo at tatanggapin mo si Onesimus, malaking refreshment, malaking ginhawa at kagalakan ang idudulot nun sa akin.

Now, it will be an Immense Refreshment to the old and rugged apostle if Philemon will forgive and receive Onesimus. Why? I think Paul shares the heart of the apostle John. In Third John 1 verse 4, it says there: “I have no greater joy than to hear that my children are walking in the truth.” Malaking ginhawa, malaking kagalakan kung makita ko na yung mga kapatid, yung mga anak ko… yun ang sabi ni John. Ang kaniyang tawag doon sa congregation na kaniyang nilea-lead na makita ko ang church walking in the truth, no greater joy.

Alam niyo po mga kapatid, one of the best ways to bring refreshments sa mga minister ng gospel: walk in the truth.. walk in the truth. Live out the gospel. Live out what is preached to you. Isa sa best ways to live out the gospel is to forgive and receive one another as God in Christ received and forgave us. At hindi lang si Paul ang mare-refresh dito mga kapatid. You see in verse 12, Paul also said Onesimus is his very heart. Siya ay aking puso. Napaka-endearing ng kaniyang pagkakagawa sa letter na ito.

Now, could it be that when Paul said ‘refresh my heart’ It carries a double meaning. First meaning is “refresh my own heart,” papasayahin mo ako kapag pinatawad mo si Onesimus. And the second meaning is si Onesimus mismo, i- refresh mo diyan sa bahay niyo. Tulungan niyo siya, patawarin niyo siya i- welcome niyo siya diyan sa iglesiya sa Colossae.

Now, lastly, since this letter is read in front of the whole Colossian church, forgiving Onesimus will refresh the hearts of the whole church. Because they will see a personalised illustration of God’s grace and forgiveness. And Philemon will really live up to what Paul says to him in verse 7: the hearts of the saints have been refreshed through you. Hindi lang si Paul, hindi lang si Onesimus, kundi ang buong iglesiya ang bibigyan ng kagalakan at kapahingahan ni Philemon kung papatawarin niya si Onesimus. If Philemon forgave and received back Onesimus, the news will not stay at Colossae. It will spread to other churches and to other places. It will be heard by other slave owners. Oh, mayroong isang Christian slave owner received back his slave and didn’t punish him. Because that slave owner believed that someone else was already punished for the sins of that slave.

Now, for many centuries, it will be used by God to let His people see that forgiveness is not just a concept in a preaching or a parable. Instead, it is alive and it can be experienced personally. Their reconciliation will testify about the gospel that reconciles sinners to their Heavenly Master and it will bring great delight to the church. And yes, brothers and sisters, even today is using their story for us to be refreshed.

Now this short letter of Paul; the reconciliation of Philemon and Onesimus brings Immense Refreshment, not just to Paul, not just to Onesimus, but to the whole body of Christ. So the challenge is this brothers and sisters, Immensely refresh the church by receiving one another and being reconciled with each other. Bigyan natin ng kagalakan at kapahingahan ang isa’t-isa by receiving one another and being reconciled whenever necessary.

Now, siguro hindi po natin kayang abutan yung lawak ng refreshment ng letter to Philemon. Sobrang daming centuries, sobrang daming lugar ng inabot ng letter na ito. But we can continue its legacy if we keep on receiving one another and if ever na magkaroon ng conflict among our relationships, being reconciled to one another. But the opposite is also true my brothers and my sisters. If we don’t seek to receive one another, or be reconciled with each other;

instead ay maging divisive tayo. Tayo ay mag-fail and to forgive one another. Kapag iyon ang nangyari, what we will bring to the church is not refreshment, but rottenness, toxicity. Now imagine brothers and sisters, anong mararamdaman ni Paul if Philemon rejected or even punished Onesimus? Lalo lang mag-a-add ng burden si Philemon sa matanda at nakakulong pa na si Apostle Paul kung hindi niya papatawarin si Onesimus? Pero buti na lamang; at malamang sa malamang hindi ganun nangyari. Paano natin masabi na hindi ganun ang nangyari?

Sa mga susunod na verses, sasabihin ni Paul na siya ay confident sa obedience ni Philemon. At para magkaroon pa ng added accountability, ang sabi ni Paul, Philemon, prepare a guest room because I am hoping that through your prayers, makakalaya ako at diyan ako unang pupunta sa inyo. Now, what does that imply? Pupunta si Paul sa bahay ni Philemon to make sure na ginawa niya ang tama. Pinatawad niya si Onesimus.

Now, isa pa pong posibleng ebidensiya na si Onesimus ay pinatawad at talagang na-reconcile kay Philemon ay ito…Sa Laodicea, isang lugar na hindi po kalayuan sa Colossae, may nakita ang mga archeologists na isang inscription ng isang slave. Isang slave who dedicates a monument to the master who freed him. At ang pangalan po ng kaniyang master ay Marcus Sestius. Now, si Onesimus ba ang nagpagawa nito? Pwede, maaari, pero hindi tayo sigurado. Pero ito po ang sigurado..ang bawat isang Kristiyano ay tulad din ni Onesimus. Pero ang kaibahan, pinatawad tayo ng ating Master, hindi lang sa paglaya sa pagnanakaw natin, kundi sa lahat ng ating mga kasalanan. Past, present and future. Pinalaya tayo ni Kristo hindi lang mula sa ancient slavery, kundi mula sa ating mga kasalanan. At binigyan Niya tayo ng lakas para tanggapin at patawarin ang isa’t-isa nang sa gayon ay lumawak ang galak sa buong iglesiya.

Now, Immense Refreshment is the result when we, as a church receive one another and seek to be reconciled with each other. That reception and reconciliation is a reflection to a greater reconciliation to God that twe only have because of the reconciling and refreshing gospel of our Lord and Saviour, Jesus Christ.

Let us pray. Our Father in heaven, oh Lord, we thank You oh God for this short, but so rich oh Lord God na sulat ni Paul kay Philemon na pinapakita sa amin Lord that forgiveness and reconciliation; they are not just concepts, abstract concepts Lord na makikita namin sa mga teachings. But Lord, it’s a reality that we can experience if we really apply the truths of the gospel in our relationships and in our fellowships. Panginoon, maraming salamat po, Lord God sa mga katotohanan na ito na ibinigay Ninyo sa amin ngayong hapon. At Lord God, I pray oh Lord for those people who needs to be reconciled sa kanilang mga kapatid. Tulungan Niyo po Panginoon ang bawa’t isa. Bigyan Ninyo po kami ng kalakasan na sundin ang pattern ng gospel sa aming pakikipag-ayos sa aming mga kapatiran. At Lord, dalangin ko po Lord God, na magkaroon ng tunay na reconciliation in our midst at ma-reflect talaga namin ang reconciliation na meron kami sa Inyo dahil sa gospel ng aming Panginoong Hesus. At Lord, I ask oh God na magkaroon ng totoong refreshment; Panginoon, magkaroon ng totoong kagalakan at kapahingahan sa bawa’t isa kapag nakita namin ang reconciliation na ginagawa Ninyo sa aming mga buhay. Maraming salamat po oh Lord. Thank You. In Jesus’ Name, this we pray, amen.

Post a comment