Happy Lord’s Day po. Happy Lord’s Day po sa inyong lahat at isa pong great privilege po sa akin ang makapag, makapangaral ng Salita ng Diyos dito sa inyong congregation. Ah, we prayed for this nung na- invite ako ni Pastor Xley. Nagpaalam sya kay Pastor Rodel Lasco and then isinama na po namin ito sa aming mga prayer items. So, isa pong kagalakan sa akin personally na may hina-handle po na outreach.
Refreshing ‘tong ganitong context kasi masyadong, medyo mahirap yung ministry dun, so, magandang opportunity rin ito para makapahinga din sa ibang context din.
Meron pong ginawang research ang PRC or Pure Research Centre.
They conducted many surveys about abortion in America. At sa kanilang ginawang survey, according po sa decision nung June 2022 sa kanilang Supreme Court, 62% of U.S. adult said, yun pong practice ng abortion should be legal, 62% adult. And then yung 36, anther 36%, sinasabi nila na maging illegal yung abortion. At alam po natin na napaka-evil, napaka-immoral ng practice ng abortion. Nakakatuwa at marami ditong mga children. So, isang pagpapakita iyon na healthy yung church. At sa abortion, alam natin minu-murder yung life na galing sa Panginoon. At of course, may mga against sa abortion. At yung, kapag pinag-usapan yung legal, yung mga position na against sa abortion, simple lang yung kanilang solution, to make it illegal. So, kung gagawing legal, ang solution is to make it illegal. So yun nga yung inilalaban nung mga Conservative in America. Well, meron naman talagang place yun na gawing illegal yung abortion para mabawasan yung cases ng abortion in America. But we know, the root of this problem is not primarily sa law or sa mga rules. The root of the problem is about the impurity of the hearts of men. Na kaya may abortion ay dahil sa impurity ng mga tao, sa puso natin. Sinabi rin ni Christ, sa puso ay nagmumula, nanggagaling ang iba’t-ibang uri ng mga kasalanan. Kaya here in our text, makikita natin na ang unang dini- deal ng ating Panginoong Hesukristo ay ano yung laman ng ating puso. Buksan ninyo po ang inyong mga Bibliya na ito po ay bahagi ng inyong series sa Beatitudes. Matthew 5 verse 8. So babasahin ko po sa English and then sa Pilipino. Sabi po sa Matthew 5 verse 8 – Blessed are the pure in heart, for they shall see God. Sa wikang Pilipino po – Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. Before we dig in this verse, the over-all theme of the gospel of Matthew is about the awaited kingdom of God. Ito yung mga inaantay ng mga Jews in the Old Testament, mayroon nang prophecy na mayroong darating na kingdom, dahil nakaranas po yung mga Jews ng oppression sa Babylon, at sa iba’t-ibang mga nations. So nag-ho-hope sila ng coming kingdom, pero hindi nila nakita that this coming kingdom is established by the death, life and resurrection of Christ. Sa Matthew 3 verse 2, Repent for the kingdom of God is at hand. So the over-arching theme of Matthew is about the kingdom of Christ established. Kaya ito pong Sermon on the Mount, the greatest sermon of all sermons, ito po ay personal message of the King. Ang nagsasalita nito ay yung King na inaantay ng mga Hudyo na hindi nila nakita na iyon ay si Christ, si Yahweh. Makikita po natin na yung Kanyang kingdom, hindi po ito yung worldly kingdom na na-establish thru chariots, thru strength, thru politics, thru power. We know na in-establish ni Christ yung Kanyang kingdom thru His humiliation, thru His incarnation, thru His death and resurrection. At ngayon, because of Christ’s finished work, ngayon ay naghahari na Siya. He established His kingdom. Kaya dito sa Sermon on the Mount, particularly, in Beatitudes, nangangaral yung kingdom, kung ano yung message Niya sa mga members ng kingdom. So, primarily, it is about, para ito sa mga citizens of the kingdom of Christ. Kailangan po nating makita na in this
sermon, yung mga nakikinig or mga hearers ni Christ were too familiar sa mga words na ginagamit ni Christ. Familiar sila, kaya, yun pong binasa natin na Blessed are the pure in heart, naiintindihan nila yung “pure” na word in its Old Testament sense. So naiintindihan nila yung word na “pure, or clean.” It refers to internal cleansing. Yung binasa po natin kanina. Possibly, ito yung primary reference ng Panginoon Hesus, yung Psalm 24 3 to 4. Basahin ko po again – Who shall ascend
the hill of the Lord? And who shall stand in his holy place? He who has clean hands and a pure heart, who does not lift up his soul to what is false and does not swear deceitfully. So meron nang ganung idea. Meron nang ganung paniniwala ang mga Jews. So naiintindihan nung mga disciples or nung mga hearers ni Christ kung ano yung ibig sabihin ni Christ nung sinabi Niya na “blessed are the pure in heart.” At mahalaga po natin itong makita na even in the Old Testament prophets, prophecies, nag-loo- look forward sila na magkaroon ng totoong malinis na puso. Ezekiel 36 25 to 26. Sabi ni Yahweh – I will sprinkle clean water on you, and you shall be clean from all your uncleannesses, and from all your idols I will cleanse you. Sabi nung Ezekiel – And I will give you a new heart, and a new spirit I will put within you. And I will remove the heart of stone from your flesh and give you a heart of flesh. So yung cleansing, or yung purity na binabanggit dito ni Christ is not mere external, kagaya nung pagiging illegal ng abortion, external yun. Ang pinag-uusapan ditong “blessed are the pure in heart” is yung internal cleansing. Kailangang bigyan ng emphasis ni Christ itong sinasabi Niya dito because of the belief ng mga Pharisees. Remember, yung isa sa mga kaaway lagi ng Panginoong Hesukristo ay yung mga Sadducees and Pharisees na naniniwala because of external ceremonies and nakakaranas sila ng external cleansing or external cleanliness. Kaya sinabi Niya sa mga Pharisees, Matthew 23, 27 “Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you are like whitewashed tombs, which outwardly appear beautiful, but within are full of dead people’s bones and all uncleanness. So, kailangang bigyan ng emphasize ni Christ itong sinasabi Niya dito dahil itong mga Pharisees na ito, nagmamalaki sila dahil nagagawa nila ang mga external ceremonies at iba-iba nilang traditions. Naniniwala sila na clean na sila. Pero ang sinabi ni Christ, sila ay parang mga magagandang mga. sa amin may maganda pong libingan doon ng mayayaman at parang condo yung mga libingan, sobrang ganda. Yun yung sinasabi ni Christ na para kayong mga condo na libingan pero yung loob ay nabubulok na bangkay. Yun yung katatayuan ng mga Pharisees. At ito yung dinidiin ng Panginoong Hesukristo sa mga members ng kingdom. Blessed, mapapalad ang mga may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Kaya po ang message po natin for this morning is galing lang mismo dun sa text natin. TRUE MEMBERS OF CHRIST’S KINGDOM HAVE A CLEAN HEART AND THEY WILL SEE GOD.
True Members Of Christ’s Kingdom Have A Clean Heart And They Will See God. Napaka, napaka-explicit nung sinasabi dito ni Christ na pinagpala, blessed. At yan po yung titingnan natin ngayon. Dalawa bagay lamang po. First, THE IMPORTANCE OF HAVING A CLEAN HEART. Secondly, THE REWARD OF HAVING A CLEAN HEART.
So tingnan po natin yung first point na sinasabi ng ating Panginoon Hesukristo dito sa Beatitudes na ito. The importance of having a clean heart. Kailangan po muna nating i-consider that Jesus is saying here about having a pure heart is very impossible for us humans. So kailangan po nating makita sa dalawang meaning or ibig sabihin itong pagiging pure heart. The primary meaning of what I mentioned earlier which was anticipated by the Old Testament prophets. This was the promise of the new covenant. Jeremiah 31 verse 33 For this is the covenant that I will make with the house of Israel after those days, declares the Lord: I will put my law within them, and I will write it on their hearts. And I will be their God, and they shall be my people. So yung pure heart na sinasabi dito ni Christ, una, primarily, is about yung pagbibigay ng Diyos ng bagong puso sa mga mananampalataya or sa mga members ng kingdom. Dahil ito yung pangako nung binasa natin sa Ezekiel kapareho dito sa Jeremiah 31 33. Ito yung pangako ng new covenant na hindi kayang ibigay ng old covenant dahil nga napaka- conditional, napaka-physical, napaka-ceremonial ng old covenant. Hindi iyon kayang ibigay ng old covenant. So ang ginawa ni Yahweh, nagbigay Siya ng another covenant na ang kasama dun sa pangakong iyon is yung pagbibigay ng malinis na puso o ang pagbibigay ng bagong puso. So the sermon on the mount requires heart righteousness rather than mere rule righteousness. Primarily, it’s about heart righteousness na ibinigay ng Panginoong Hesukristo sa Kaniyang Ebanghelyo. Though, hindi natin dine-deny that this Sermon on the Mount is about imperatives. Maraming mga utos, mga laws, in fact, ano yan, magandang expression ng moral law itong Sermon on the Mount. Pero the primary point of this sermon is about our status before God because of the Gospel. Hence, the word “blessed,” pinagpala, nangyari na past tense.
Ito ang pagbibigay ng bagong puso ng Diyos sa mga makasalanang pinili Niya kaya wala nang pagbibigay ng bagong puso na yung pagbibigay Niya ng bagong puso ay magkakaroon talaga tayo ng malinis na puso. So yung root ng sinasabi ni Christ dito is yung indicative, blessed are those pure in heart. Yun yung unang sinasagot dito na yung mga mananampalataya ay mayroon nang kakayanang maging banal, maging pure, maging sanctify dahil binigyan na sila ng kakayanan ng Panginoong Hesukristo na maging banal.
In 1982, ang Los Angeles Times ay nagkaroon ng story about Anna Mae Pennica. Si Anna Mae Pennica po ay isang 62-year old woman na siya ay bulag mula pa lamang sa kaniyang birth. So, from birth, bulag na siya, blind na siya. At nung October 1981, ang isang doctor na si Thomas Pettit sa Institute of the University of California at Los Angeles, ay nag-perform ng surgery para matanggal yung cataracts ni Mrs. Pennica. At dahil naging matagumpay yung operation na yun, for the first time, sa buhay ni Mrs. Pennica, nakita niya yung paano yung tubig ay bumubuhos doon sa baso kapag siya ay iinom ng tubig. So siya ay tuwang-tuwa. Nagkaroon na siya ng kakayanan na makakita. So dito po sa ating sermon, kailangan po munang magbigay ang Diyos ng bagong puso bago natin makita ang kagandahan ng Ebanghelyo.
Kaya kung may kinakausap ako dito na kung wala ka pa kay Kristo, manampalataya ka sa Panginoong Hesukristo.
So the Sermon on the Mount requires heart’s righteousness rather than mere rule righteousness. Kaya makikita po natin dito na hindi naman nito ine-eliminate yung second meaning or second point ng pagiging pure heart. Tama, indicative siya, yung pagbibigay ng Diyos ng bagong puso. But secondly, hindi Niya inaalis yung pagiging imperative, yung responsibility natin na maging banal. So, na-mention ko kanina na ang gustong bigyang diin dito ni Jesus ay yung kalinisan na hindi kagaya ng mga Pharisees, external lamang. Ang sinasabi dito ni Christ, kung kayo ay magpapaka-banal, ay dapat, nagmumula yon sa inyong kaloob-looban. Ang ganda po nung paraphrase ni Martin-Lloyd Jones sa text na ito. Sabi ni Martin-Lloyd Jones – Blessed are those who are pure, not only on the surface, but in the centre of their being and at the source of every activity. So, bago tayo makasunod dun sa mga imperatives, maraming mga imperatives po sa Scripture na kasama rin po yun sa pagiging pure in heart, pero magmumula po yun muna sa ating inside, its internal cleansing. Kaya yun yung question, nakatanggap na ba tayo ng bagong puso? So, point po natin, the one who truly receives a new heart will become holy in their thinking, in their words and in their actions. So, kung ikaw talaga’y nakatanggap ng bagong puso, ng malinis na puso, magre-resulta yan sa yo ng external. Makikita yan sa iyong external, sa iyong action, sa iyong pag-iisip. At yan po yung point nung sulat ni James. Pinapatunayan ng good works natin yung faith natin, kung genuine ba yung faith natin. At ang mga totoong tumanggap ng bagong puso ay magpapaka-banal, hindi lang tuwing Sunday, kundi sa buong bahagi, sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. At yun pong reference ni Christ sa Psalm 24, ang point po nun ay yung sincerity of the heart. Of course pwede kang maging sincerely wrong, may mga tao na sincere sila sa kanilang worship pero mali dahil hindi iyon obedient sa kautusan ng Diyos. Pero
dahil binigyan na tayo ng bagong puso ng Panginoon, yung sincerity na natin ay valid because of the new heart. So, huwag tayong maging allergic sa word na dapat tayo ay nararamdaman nyo or yung pagiging sincere. Ang isang mananampalataya, katanggap-tanggap na nya yung kanyang experience, yung kanyang feelings, yung kanyang sincerity dahil binigyan na tayo ng bagong puso. Hindi na po totoo sa atin yung sinabi ng Isaiah na yung good works natin ay filthy rags. Because of Christ’s righteousness, and because of the new heart, katanggap- tanggap na yon sa ating Panginoon. So, yung indicative ng pagiging blessed are the pure in heart, ay dapat makita sa sincerity rin ng heart natin na nagre-result sa actions natin.
Sabi ni John Stott, the message of the Sermon on the Mount, sabi ni John Stott – The pure in heart are utterly sincere their whole life, public and private, is transparent before God and men. They’re very heart including their thoughts and motives is pure, unmixed with anything devious, ulterior or base, hypocrisy and deceit are abhorrent to them. They are without guile.” So pinapakita dito yung, nung pinag- aralan ko po itong Sermon on the Mount, yung isang approach ng Panginoong Hesukristo, is by way of comparison. Para to prove a point, ay magbibigay sya ng comparison at dito ang kino-compare ni Christ ay yung mga Pharisees at yung mga true members of His kingdom. Na meron tayong malinis na puso. Kaya, itong magandang bagay na itanong sa ating mga sarili. kung ikaw ay nag-aangkin na member ka ng kingdom ng Panginoong Hesukristo, ikaw ba ay mayroong malinis na puso hindi lang tuwing Lord’s Day? Alam po natin, nakaranas po tayo ng pandemic. Na-disrupt po doon yung worship natin. Yung iba years bago nagkaroon ng gathering, yung iba months. So napakatagal natin naka kulob lang tayo sa bahay. Well, dapat nating i-pursue nung time natin na yun na mag-gather, but I think, yung itinuro sa atin ng Panginoon during those times ay yung pagiging pure natin in private life. Dahil yun yung isa sa pinaka-mahirap na gawin. Madaling magsabi ng mga theological jargons kapag nasa Sunday tayo, pag nasa fellowship tayo. But the question is, yung mga abstract theology na yon ay nagre- resulta ba sa private life natin sa pagiging pure natin? Anong ginagawa mo sa mga oras na nag-iisa ka? Kapag hindi ka nakikita ng pastor? Pag hindi ka nakikita ng mga kapatid mo? Ano yung mga bagay na iniisip mo? Ano yung mga bagay. Na umuubos sa oras mo? Masasabi mo ba na applicable pa rin ang sinasabi ni Christ sa iyo? So ang challenge sa atin, HAVE A PURE HEART IN ALL ASPECTS OF YOUR LIFE. Magkaroon
ka ng purity of life sa lahat! Kung ikaw ay nasa work, ipakita mo ang integrity mom kung ikaw ay nasa school, kung nag-chea-cheating na yung mga classmates mo, manatili ka sa iyong paninindigan na yung pure obedience mo sa Panginoong Hesukristo. Kung ikaw ay isang nanay na lagi lamang sa bahay, ipakita mo, alagaan mo ang iyong mga anak nang mayroong pagsunod sa Panginoong Hesukristo, dahil yung kingdom ng Panginoong Hesukristo is applicable sa lahat ng aspeto ng ating buhay, hindi lamang po tuwing Sunday.
Sabi ng First Peter 1 22 Having purified your souls by your obedience to the truth for a sincere brotherly love, love one another earnestly from a pure heart, So yung ating obedience sa kautusan ng Diyos ay nagmumula doon sa pure heart, pagiging malinis na puso. So iyan po ang importance of having a clean heart.
Second point na maganda rin pong makita natin dito, THE REWARD OF HAVING A CLEAN HEART. Malinaw po in our verse that the reward or blessing of having a pure heart, ang clear po nung text natin – Blessed are the pure in heart. Ano po yung reward? Ano yung sunod doon? For they will see God. Makikita nila ang Diyos. So, nakita natin na may two meanings or two points ang pagiging blessed. Una yung indicative, and then yung responsibility natin to be pure in heart, or yung imperative responsibility natin. Kagaya po ng pagiging pure heart na mayroong two points, meron din ‘tong two meanings, yung ibig sabihin nung sinabi ni Christ “for they will see God.” Ito rin po ay may dalawang bagay na itinuturo sa atin. Of course hindi ito ibig sabihin na literally, makikita natin ang Diyos because God is spirit. So kahit po tayo ay makarating sa heaven, hindi po natin makikita yung essence ng Diyos dahil mananatili po doon yung tinatawag na “creator-creature distinction.” So never natin makikita ang Diyos. So ano ang ibig sabihin nun sinabi dito ni Christ for they will see God? First, we see God because of the Gospel. Second Corinthians 3 18 And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit. Sabi ni Apostle Paul, because of the Gospel of Christ, we behold the glory of the Lord. Second Corinthians 4 verse 4 In their case the god of this world has blinded the minds of the unbelievers, to keep them from seeing the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God. So we see God, because of the Gospel of Christ. Yun yung unang sinasabi dito, for they will see God. Remember na both ay mayroong “already and not yet” na itinuturo doon? Dun sa una natin, “blessed are the pure in heart.’ Blessed na sila because of the indicative of the gospel. And then secondly, yung imperative. Dito rin yung “for they will see God.” Mayroon ding ganun. We see God because of the Gospel. Nakikita na natin kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo. He’s the image of the invisible God.
And the means of grace are God’s way for us to see and experience Him. Ngayon, nag-incarnate na ang Panginoong Hesukristo. Sabi ni John sa First John 1 1 to 3, we touched Him. Nahahawakan namin, nakakausap namin ang Panginoong Hesus. Bilang pagpapatunay na yung totoong Diyos ay nagkatawang tao. So nakita natin ang Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, sa pamamagitan ng Kaniyang Ebanghelyo. At nakikita natin ngayon ang Diyos thru the means of grace kagaya ng preaching of the word of God, in the Holy Supper, and Baptism, we see God thru these means.
So, sabi ni Kent Hughes – The more we will see of God in this life, the more our eyes are focused on God. Absorb with Him, concentrated on His being, freed from distractions, sincere single, the more we will see Him.” So ang sinasabi dito ni Hughes, kapag nakikita natin ang Diyos, kapag tayo active na mag-participate sa mga means of grace, worship, Lord’s Supper, Word of God, na-e-experience natin ang Diyos, nakikita natin ang Diyos sa pamamagitan ng mga means na yan. Subalit, maganda rin po yung sinasabi dito ng Panginoong Hesukristo na hindi lamang past tense and present tense yung makikita natin ang Diyos but future din po. There is ultimate seeing kagaya ng sinabi ni Apostle Paul Romans 8:18 For I consider that the sufferings of this present time are not worth comparing with the glory that is to be revealed to us. So merong seeing ngayon, because of the Gospel of Christ because of the Incarnation of Christ. Pero mayroong ultimate seeing na makikita natin ang Diyos, bibigyan Niya tayo ng kaluwalhatian. First John 3 verse 2
Beloved, we are God’s children now, and what we will be has not yet appeared; but we know that when he appears we shall be like him, because we shall see him as he is. So mayroong ultimate seeing at kagaya ng nabanggit ko kanina, hindi natin makikita yung God the Father dahil mananatili yung creator-creature distinction. But we will see God in Christ because Christ is God in the flesh. Siya yung image of the invisible God.
So ang point natin, if you have a pure heart,, you can see God now thru the Gospel of Christ and thru His ordained means and you are also certain to see Him thru Christ in the heaven and new earth. So makikita natin ang Panginoong Hesukristo, makikita natin ang Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo. And when was the last time na nag-hope kayo na makita ang Panginoong Hesus? May mga christians na na-de-depress at ang prayer nila, “Panginoon, kunin Mo na ako.” Kahit sa time na yun, selfish pa rin di ba? Kukunin, iiwanan tayo sa napaka-depressing world na ito. Pero dapat ang prayer in your time of depression si not “Panginoon, kunin Mo na ako.” Ang prayer dapat: “Maranatha! Come Lord Jesus.” Yan ang ultimate hope ng mga mananampalataya, ang makita ang Panginoong Hesukristo. At itong hope na ito, should give us joy in the midst of our struggles, and it should also be our motivation to become holy. Na makikita natin ang Panginoong Hesus, e parang isang kristiyanong asawa, a hindi ako agree dito na kailangan niyang mangibang bansa para sa kanilang pamumuhay. Dahil siya ay christian, kailangan niyang maging pure, para pag umuwi siya sa Pilipinas, mananatili siyang pure para sa kaniyang asawa. Ganun po dapat ang mindset nating mga mananampalataya. At yun yung reward natin, yun rin yung hope natin, yun din ang motivation natin..ang ultimate seeing sa Panginoon sa pamamagitan ni Kristo. Kaya sabi nung binasa natin kanina sa First John 3 2, yung verse 3, ang ka-partner noon, And everyone who thus hopes in him, so may hope na makikita nila ang Panginoong Hesukristo, makikita natin ang Panginoong Hesukristo, And everyone who thus hopes in him, ano po yung embedded or ano yung ka-partner na responsibility? purifies himself as he is pure. On one hand, makikita natin dito that having a pure heart is a condition for us to enter heaven.
Ito ay preparation para tayo ay makarating sa langit. Na-justify na tayo in Christ, because of His work, pero mayroong necessary condition para pong tayo pong mga Pilipino, malinis tayo sa katawan. Siguro, special case na nakapunta kayo sa office niyo na hindi kayo nakaligo. Pero di ba, preparation nating mga Pilipino pag aalis tayo, ang number one diyan, ano? Maliligo tayo. So makikita natin na yung pagiging pure in heart in this life ay preparation papuntang heaven.
Linaw po ng Hebrews 12 verse 14 Strive for peace with everyone, and for the holiness without which no one will see, related pa rin po sa text natin, no one will see the Lord. So ito ay hindi po meritorious word, meritorious salvation. Pero yung pag-strive natin for holiness is a joyful respond sa Gospel. So ang atin pong challenge, LET US BECOME HOLY AS PREPARATION FOR THE SECOND COMING OF CHRIST. Habang
inaantay natin ang Panginoong Hesus, magpakabanal tayo. Pero kung wala ka pa sa Panginoong Hesus, makikita mo rin ang Panginoong Hesukristo but not as Saviour but the ultimate Judge of all.
Ang series ko po na ginagawa ngayon, minsan lang po ako mag- preach sa TBC dahil po mas focused po ako sa outreach namin. Pero ang series ko po sa TBC everytime na mag-preach ako is about Revelation. Na-stuck po ako dun sa Revelation 6 15 to 17. Ito yung vision ni John sa mga hindi mananampalataya sa Panginoong Hesus. Then the kings of the earth and the great ones and the generals and the rich and the powerful, and everyone, slave and free, hid themselves in the caves and among the rocks of the mountains, calling to the mountains and rocks, “Fall on us and hide us from the face of him who is seated on the throne, and from the wrath of the Lamb, for the great day of their wrath has come, and who can stand?” Napakabigat po ng text na ito para sa hindi po mananampalataya sa Panginoong Hesukristo. Wag sana pong mangyari na lumindol ngayon. Pero for example lumindol po ngayon, at nakikita natin itong ceiling natin ay babagsak na, hindi niyo na po papansinin yung sermon ko, magtatakbuhan na kayo. Syempre, kailangan niyong iligtas ang inyong sarili. Pero dito sa text na ito, ang sabi nung mga hindi nag-put ng faith sa Panginoong Hesukristo, tabunan na lang kami ng bundok, ng mga bato. Hindi lang po kisame, kundi sabi doon, yung mga… fall on us and hide us from the face of Him. Ayaw nilang makita yung mukha ng Panginoong Hesukristo. So sa mga wala pa kay Kristo, makikita niyo rin ang Panginoong Hesus but not as saviour, but the ultimate Judge. Kaya magsisi ka sa iyong mga kasalanan, and everytime na naririnig mo ang pangaral dito ng Gospel, yan ay biyaya..grace ng Panginoon na lumapit ka sa Kaniya. Kaya, sa atin naman mga mananampalataya, the new creation will have no sorrow, no sin, at ito dapat po ay mayroong effect sa pamumuhay natin in our present lives. Ang isa pong nag-apply ng ganitong principle na yung kaniyang mata ay nakatingin sa heaven habang siya ay nag-su-suffer, kilala po natin si John Bunyan. Si John Bunyan po, nung nagkaroon ng tinatawag na The Great Ejection in the history of the christian church, dahil po sa Church of England, nagkaroon ng tinatawag na “Acts of Uniformity.” Ibig sabihin, yung nagbaba yung Church of England ng prayer, book of prayer na yun yung ang gagawin every worship. Na yung mga nakalagay dun sa book na yun, ay mga unbiblical na. So yung thousands of Ministers ay umalis sa Church of England, kaya tinatawag na The Great Ejection. Thousands of ministers ay umalis dun sa Church of England dahil sila po yung tinatawag ngayon na mga Puritans. At isa po sa nahirapan doon ay si John Bunyan. Si John Owen, mayaman mo si John Owen. Chancellor siya kaya hindi masyadong affected nung ganung, at least economically wise, hindi siya masyadong naapektuhan. Pero si John Bunyan, isa siyang mahirap at nakulong siya; lumaya siya because of John Owen, Pero yung kaniyang hope sa heaven na makita ang Panginoong Hesus ito yung nagbigay sa kaniya ng hope ng manatili sa faith. Kaya naisulat niya yung Pilgrims Progress. Di ba kailangan niyang makarating sa Celestial City? So yun yung hope niya. Yun yung nag-motivate sa kaniya na magpatuloy.
Kaya dapat po sa ating pamumuhay, hindi lang po dapat na alam na alam natin ang eschatology. Kung alam natin ang eschatology, ang theology natin is for life. Applicable in our present lives.
Ang ganda po nung sinabi ni Jonathan Edwards. Oh God, stamp my eyeballs with eternity! Ilagay mo sa aking mga mata ang buhay na walang hanggan, ang eternidad! Dahil sa kaabalahan natin sa mundo, nanalangin na kaya tayo, kailan tayo nanalangin na “Panginoon, dumating Ka na?” Busy tayo to chase our dreams, our career, which is good naman. Wala pong masama diyan, walang evil diyan. Pero dahil sa mga kaabalahan natin, masyado tayong busy sa lahat ng ginagawa natin sa mundong ito, may mga panahon na nakakalimutan natin na habang tayo ay gumagawa faithfully in our vocation, in our ministry dito, dapat yung ating mga mata ay nakatingin sa heaven. Nakatingin sa muling pagbabalik ng Panginoong Hesukristo. At yan ang sinasabi ni Jesus Christ, “blessed are the pure in heart for they shall see God.” Makikita natin ang Diyos. Makikita natin ang Panginoong Hesukristo.
Magkaroon po sana tayo ng kagaya ng sinabi ni Fanny Crosby.
Kilala nyo po ba si Fanny Crosby nagsulat ng Blessed Assurance, To God Be The Glory? Merong isang sikat na preacher na nagsabi sa kanya.
Sabi nung preacher na yun na ang pangalan ay John, sabi ni Pastor John, I think that it is a great pity that the Master did not give you sight when He showered so many other gifts upon you. Nakakalungkot, hindi ka binigyan ng paningin, bulag po si Fanny Crosby. Pero ang sinabi ni Fanny Crosby: “Do you know that if at birth, I had been able to make one petition to my Creator, I would have been that I should be born blind.” So ang ipag-p-pray pa rin niya, halimbawang mayroon siyang prayer, bibigyan siya ng petition sa Diyos, sabi ni Fanny Crosby, ang ipag-p-pray ko pa rin ay ipanganak pa rin akong bulag. Ang sabi
niya, “because, when I get to heaven, the first face that shall
ever gladden my sight will be that of my Saviour.” Sa sobrang kaabalahan natin, dami nating mga nakikita, pleasures of the world, promises ng mundo. Bumalik sana tayo sa ganitong spirit kagaya ni Fanny Crosby. Hope natin, ito yung magbibigay ng ultimate joy sa atin na makita ang Panginoong Hesukristo. At yung paniniwala natin sa lahat ng mga great doctrines, sa napaka-glorious ng Person ni Christ, ito dapat po ay magbigay sa atin ng hope sa ating career, sa ating
pag-aaral, in our ministries, in our passions. Kailangan po nating, ito yung ilagay natin sa ating mga minds. Dahil ang antidote to every spiritual illness is the very sight of Christ, ang makita ang Panginoong Hesukristo. So ito po yung sinasabi ng Panginoon dito na tayo ay pinagpala, we are blessed because we will see God in Christ.
Tayo po ay manalangin. Aming Panginoong Hesukristo, salamat po sa oras na ito na ibinigay Ninyo po sa amin. Salamat po sa reminder na kailangan kaming maging holy in this present life, na ang motivation namin ay ang Gospel, ang second coming ng Panginoong Hesus. Mai- apply nawa namin ang mga principles na ito sa lahat po ng aspects ng aming buhay, in our workplace, pagma-manage ng family, in school.
Kayo sana po ang manguna sa amin at maging pure kami sa lahat ng mga bagay na ito. At salamat po sa reminder ng glorious hope, ng second coming ng Panginoong Hesus. Magpalakas sana ito sa mga nanghihina, magtuwid sa mga nagkakasala, at maging salvation po ng mga wala pa sa Inyo. Salamat sa oras na ito, sa simple Word of God. Ito po ang aming panalangin sa Pangalan ni Hesus, Amen.