Good morning po sa bawat isa. Ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon for this opportunity na makapag-share ng Word of God sa inyong iglesia. It is a privilege for me. So noong 2017, isang celebrity na babae ang tinanong if she was ready to live together with her boyfriend na celebrity din na guy. Ang sinagot niya ay ito, “I mean, if that was true, So what? Hindi ba? It’s not new anymore… It’s normal na eh. Come on, guys, it’s 2017!” Noong napanood ko iyon ay isa lamang ang tanong sa isip ko: “What?!” Hindi porke’t nagbago ang panahon ay nagbago rin ang stand ng Salita ng Diyos. Sa mundo natin ay maraming mga so-called influencers at mga content creators na kung saan ang impluwensiya ay salungat sa itinuturo ng Bibliya. Nabubuhay tayo sa henerasyon ngayon o sa generation ngayon na mas pinaniniwalaan ang opinyon kesa sa katotohanan. Sa generation na salungat sa Salita ng Diyos. Ang itinuturo ng mundo ay “sundin mo ang puso mo, sundin mo kung ano ang magpapasaya sa’yo.” But the message of the Bible is different, “deny yourself,” To “not conform to the pattern of this world.” To be different and be an influence! Iyan ang makiita natin sa passage natin nitong umagang ito. If you have your Bible with you, makibukas po kayo sa akin sa Matthew chapter 5 verse 13 to 16. Matthew chapter 5 verse 13 to 16. Ito po ang sinasabi ng Salita ng Panginoon: “You are the salt of the earth, but if salt has lost its taste, how shall its saltiness be restored? It is no longer good for anything except to be thrown out and trampled under people’s feet. “You are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden. Nor do people light a lamp and put it under a basket, but on a stand, and it gives light to all in the house. In the same way, let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven.
Ang primary mission ng Panginoong Hesukristo noong Siya ay namuhay dito sa mundo is to proclaim His kingdom, to proclaim the kingdom of God. Nun nga Siya ay nagsisimula ng Kanyang ministry ang sinabi sa Matthew 4 verse 17, “From that time Jesus began to preach, saying, “Repent, for the kingdom of heaven is at hand.” That is the reason why He came into this fallen world. Ang sabi rin sa Matthew 4 verse 23 “And he
went throughout all Galilee, teaching in their synagogues and proclaiming the gospel of the kingdom and healing every disease and every affliction among the people. Totoo namang ang Panginoon ay nagpapagaling ng mga maysakit, gumagawa ng mga himala, nagpapalayas ng mga demonyo but the primary purpose of that is to demonstrate the present reality of the kingdom. Ang sabi niya nga sa Matthew 12 verse 28 sa mga religious leaders na ayaw maniwala sa Kanya or ayaw sa Kanya, “But if it is by the Spirit of God that I cast out demons, then the kingdom of God has come upon you.” At sa kingdom na ito, alam natin na si Kristo ang hari dahil na-o- overcome Niya ang totoong kaaway ng humanity through His crucifixion and resurrection. He satisfies the wrath of God na kung saan ay parusa ng Diyos sa mga rebelde sa ilalim ng Kanyang pamamahala. Jesus overcome all these enemies. The world, the flesh and the adversary. He overcomes all these things by destroying all the power of the kingdom of darkness. At dahil sa Kanyang ginawa sa krus ng kalbaryo, ang mga sumampalataya sa Kanya ay napabilang sa ilalim ng Kanyang paghahari.
Bagaman tayo ay namumuhay pa rin sa mundong makasalanan, Christ is reigning now because His Kingdom is already inaugurated and someday, it will be consummated in His Second Coming. At dito sa Sermon on the Mount ay nagbigay si Kristo ng instructions kung paano mamumuhay ang mga anak ng kaharian sa mundong ito na nalaglag sa kasalanan. At dito nga sa Matthew 5 verses 3 to 12 ay ipinakita ng Panginoong Hesus yung mga character ng isang tunay na Kristiyano kung saan magiging visible ang Kanyang kapangyarihan at ang impluwensiya ng Kanyang kingdom. And here in verses 13 to 16, yung sinabi Niya sa 5 verses 3 to 12, is kino-conclude na ng Panginoon. So this 13 to 16 is conclusion to the Beatitudes. Dito sa passage natin ay ipinakita ng Panginoon ang application ng Kanyang description sa isang Kristiyano. So having realised what we are as children of the Kingdom, now Jesus is saying what we must become. Dito ay malinaw na sinasabi ng Panginoon ang relasyon ng isang Kristiyano sa mundo na kanyang ginagalawan. Tayo ay mga poor in spirit, and merciful, and meek, and hungering and thirsting after righteousness, in a sense, that we may be the “salt and light of the world”.
And that is my message for this morning. As children of Christ’s Kingdom, we are called to be an influence and light in this fallen world. Ulitin ko po..AS CHILDREN OF CHRIST’S KINGDOM, WE ARE CALLED TO BE AN INFLUENCE AND LIGHT OF THIS FALLEN WORLD.
Ang Beatitudes ay nagpahiwatig na mayroong conflict sa pagitan ng kaharian ng Diyos at ng kaharian ng mundong ito. Nagpakita ito na mayroong opposition sa mga tao ni Kristo at maging persecution na maaari nilang danasin. Si Kristo mismo ang nagsabi hindi po ba, “If they persecuted me, they will also persecute you” And yung mundo, yung church, they cannot tolerate the ways of this world. That’s why the kingdom of God is a threat to them. Kaya ano ang ginagawa ng mundo?
Sinisikap ng mundo sirain ang kaharian ng Diyos. Kung ito ang tugon ng sanlibutan sa Kingdom ng Diyos, paano tayo mamumuhay in a way that will make an impact for God’s glory among men? Dalawang puntos po ang nais kong sabihin dito. First is INFLUENCE IN THIS SINFUL WORLD And
pangalawa po is LIGHT IN THIS DARK WORLD.
So una, INFLUENCE IN THIS SINFUL WORLD. Nang sabihin ng Panginoon that “You are the salt of the earth” ay hindi Niya inuutusan ang mga disciples na maging literal na asin; rather sinasabi Niya kung sino sila bilang mga Kingdom people. This is an indicative or a statement of fact, not imperative or a command to be something. Ang kaligtasan kay Kristo ay binago tayo mula sa corruption ng mundo at sa pagiging rebelde nito sa Diyos. We are transformed from being part of the kingdom of darkness to the kingdom of light. Dahil dito, ginawa tayo ng Panginoon as living influences in the world, or a salt of the earth. Ito ay consistent pagdating sa Bibliya: Whenever a person is truly saved, his/ her life will be different. They will be an influence, they will be included in the Church of Christ na kung saan ang main business is to proclaim the gospel. Ngayon, tignan po natin, ano ba yung mga gamit ng asin?
Bagaman maraming ibinigay na gamit ng asin ang mga commentators, pero, kumuha lamang po ako ng tatlo na sa isip ko ay magiging applicable sa panahon natin ngayon. First is salt is used to preserve, especially nung ancient times dahil nag-research ako, until 1700’s po ay, nung 1700’s, lumabas po ang may naimbento na refrigerator. Eh nung panahon nila, wala silang refrigerators noon para i-preserve ang kanilang pagkain, particularly yung karne at yung isda. Ang tanging ginagamit lamang nila upang ito ay hindi mabulok ay ang asin or salt. So nauunawaan ng mga disipulo na ang gamit ng salt is to preserve. Nang sabihin ng Panginoon na ang Kanyang mga disciple ay maging “Salt of the earth,” itinuturo Niya na apart from God, the world is rotten because of sin. At tayo na mga disipulo ni Kristo ay andito sa mundo to prevent corruption and to restrain wickedness. In other words, tayo na church ni Kristo ang preservatives ng mundong ito. First of all, because of the salvation that we received in Christ by God’s grace, Siya ‘yung nagpepreserve sa atin from this corrupting world. So that we, whom He called to salvation would be used as a preservative through our relation with our society.
Kaya mali ang itinuturo ng Monasticism, na we have to isolate ourselves in the world. Hindi tayo tinawag ng Panginoon to exclude ourselves, we are called to mingle. Ang sabi nga we have to be wrapped in the world.
Sa pamamagitan ng ating presensiya na pinipigilan natin ang krimen, pinipigilan ang kasamaan. Dahil ang presensiya ng isang Kristiyano ay nagdudulot dapat ng kakaiba sa mundong ito. Well, ang question dito is does your presence make a difference? Sa pamilya mo, sa trabaho mo, sa school o nasaan ka man. If you do not make an impact, something is wrong with your life as a Christian. Katulad ng asin, ang mga Kristiyano ay maaring maliit and insignificant, ngunit mayroon silang kakayanan upang impluwensiyahan ang bawat bahagi ng society na kaniyang kinabibilangan.
Salt is not just a preservative; it also adds flavour. Masarap ang pagkain pag may asin di po ba? Eh, ano ang ibig sabihin na yung gamit ng salt is to add flavour? Si Pablo, sinabi niya sa Colossians 4 verse 6, “Let your speech always be gracious, seasoned with salt.” Anong ibig sabihin ni Pablo sa mga salitang iyon? Sa Ephesians 4 verse 29, kung titignan natin, ang sabi ni Paul doon, “Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.” Ang sabi ni Sinclair Ferguson about this passage, ang
sabi niya, “Our speech can be the vehicle of great blessing: it can help others and build them up by its appropriateness; it can lift the spirits of the discouraged; it can put the whole of life in a new perspective. Most of all, it is the vehicle by which Christ is made known.” Ang ating speech ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa iba o maaaring maging
instrument ng pagpapala sa iba. Well, kamusta ang ating speech o ang
pakikipag-usap sa iba? Yung speech ba natin ay nagdudulot ng edification sa ating brethren? Sa pamamagitan ba ng ating speech, are we influencing others to have faith in Christ?
Well another use of salt is, it creates thirst. Ang sabi ng Panginoon dito kung babalikan natin sa verse 6 ng Matthew 5, sabi: “Blessed are those who hunger and thirst for righteousness, for they shall be satisfied.” Ang mga tao ay laging naghahanap ng satisfaction, ngunit hindi ito mapupunan ng mundo. Ang sinasabi ng Panginoong Hesus dito ay ang mga tao lamang who is “hungry and thirsty for righteousness,” sila lamang ang makakahanap ng totoong satisfaction. Meaning yung mga tao lamang noon na naghahanap sa Diyos. Isauri ang ating pamumuhay, we must create a thirst for God to the people around us. Ang preservative, ang mag-add ng flavour and mag-create ng thirst or to be salt of this earth ay magagawa lamang ng isang Kristyano kung siya ay mamumuhay ng may kabanalan sa mundong ito. To be salt of the earth as my point or an influence is tantamount to living in holiness. Ipapamuhay mo ang mga “blessed” na binanggit dito ng Panginoon Hesus. Ang layunin ay upang maipahayag ang gospel na siyang natatanging pag-asa ng sanlibutan. Ang sabi nga ni Martin Luther, “Every Christian must become Christ to his neighbour.” Ang sinasabi niya, si Kristo ay hindi nakikita ng kapitbahay nating walang pananampalataya. Sino ang visible sa kanila? Ikaw at ako
— at sa pagtingin nila sa atin, kailangan makita nila si Kristo. Hindi ko sinasabi na madali ang mamuhay bilang asin ng sanlibutan. Dahil kung ipapamuhay natin ang mga character na sinabi ng Panginoon dito sa verses 3 to 12, it will always invite persecution. It will always invite opposition.
Si Jan Huss ay ginamit ng Diyos upang I-prepare ang Reformation. Ninais niyang maging priest hindi dahil siya ay tinawag dito kundi upang umangat sa buhay. When he finished his degree at a university, he was ordained as a priest at a young age. Ang kanyang kaibigan na si Jerome ay bumalik sa Prague after studying in England carrying a book, ano yung dala-dala? The works of John Wycliffe. At nung makuha ito ni Jan Huss, ito ay kanyang inaral at dahil dito nabago ang kanyang puso, at ito ay ginamit niya sa kanyang mga lectures and sermons. Jan Hus was influenced by the ideas of John Wycliffe to lead a reform movement. At simula noon ay kinalaban na niya ang Pope at ang resulta ay tinanggalan siya ng suporta sa kanya at siya ay na-excommunicate. Noong July 6, 1415 siya ay sinunog hanggang mamatay at ang kanyang mga sulat ay
ginamit bilang panggatong. And you know what, Martin Luther was also influenced by Jan Hus in his writings.
What impact does your life bring to the people around you? How are you influencing others sa katotohanan ng Salita ng Diyos? I remember I posted something on facebook about the mercies of God at isa sa mga young people sa former church namin sa Olongapo ay nagmessage sa akin thru messenger. Eto ang sinabi niya. Babasahin ko lamang po sa inyo. Sabi “Hello kuya Jesse! Kamusta po? I’ve seen your post po kanina. And para po akong binato ng salita ng Dios at natauhan.
I’ve been struggling with myself po kase. Para po akong nawawalan ng gana sa buhay. Dahil feeling ko hindi pa po ako kinakahabagan ng Panginoon, kase kung kinahabagan Niya na ako, dapat nagsisisi na ako sa mga kasalanan ko at hindi na ito inuulit dahil nga binuksan na ng Panginoon ang isip at puso ko. Kaso bakit po ganoon? Bakit kahit na gusto kong pigilin sarili ko sa pagkakasala, lalo pa akong natutukso na gawin yung kasamaan na yun? Kaya parang namamatay po yung hope and faith sa puso ko. Dahil po siguro sa kasalanan which I always dwells in. Sabay nanlulumo na po ako. Nahihiya na po ako sa Panginoon kasi feeling ko po hindi ko Siya naglo-glorify sa buhay ko. You know, praise God this young people ay nasa reformed church na ngayon. Hindi ko sinasabi na magaling ako ngunit ang presensiya natin ay dapat nagke-create ng impact sa mga post natin, sa kalagitnaan ng mga kasama natin. Dapat ito ay nagke- create ng impact because of Christ. because of Christ. Well, kapag ikaw ay present sa kalagitnaan ng mga kakilala mo, napipigilan ba ang kasalanang ginagawa nila? Ikaw ay ba nagiging witness kay Kristo the way you speak? Are you creating a thirst for God to the people around you? O kapag nakikita ka nila ay “wala lang” dahil pareho naman kayo ng uri ng pamumuhay?
Ang sabi ni Doriani sa kanyang commentary “Jesus says, “Have salt in yourselves”, which means that we must retain our distinctive flavour. We must preserve the distinction between disciples and the world. The church is alien, so it suffers persecution, and it is influential so that it retards decay. The more we sense and accept our difference from the world, the greater our influence will be. The more we allow secular society to affect us, morally and spiritually, the more we lose our saltiness. Makikita lamang po ang distinction ng isang Kristiyano kung ang kanyang pamumuhay ay iba sa mundo. And the good news is, kung ikaw ay mananampalataya ni Kristo, ikaw ay iba na. You are already different because of Christ. And He called us, Christ is calling us to this endeavour to be different! So be what God called you to be! Be different, make a difference, and be an influence!
Mayroong warning na ibinigay ang Panginoong Hesus dito. Sa verse 13, Ang sabi dito: “But if salt has lost its taste, how shall its saltiness be restored? It is no longer good for anything except to be thrown out and trampled under people’s feet.” When salt loses its saltiness, it is worthless. It’s good for nothing. Masakit marinig ang mga salitang ‘worthless’ or ‘good for nothing,’ ngunit ito ang sinasabi ng Panginoon dito. Kung ikaw ay nagpo-profess na ikaw ay Kristiyano but you talk like the world, you act like the world, ay baka hindi ka totoong Kristiyano.
Ano ang advice ni Pablo pagdating dito? Ang sabi ni Pablo sa Second Corinthians 13 verse 5, “Examine yourselves, to see whether you are in the faith. Test yourselves. Or do you not realise this about yourselves, that Jesus Christ is in you?—unless indeed you fail to meet the test!” Kung sa ating pamumuhay ay parang katulad din tayo ng mundo, examine yourselves! And if you fail to meet the test, repent and have faith in Christ. Then by God’s grace and mercy, you will be different.
Pangalawang puntos na nais kong sabihin is LIGHT IN THIS DARK WORLD. Ang pangalawang description ng Panginoon sa Kaniyang mga disipulo is that they are the light of the world. Sila ang ilaw ng sanlibutan. We know that Jesus Christ Himself is the Light of the world. Isa ito sa mga kinlaim Niya sa Kaniyang Seven I Am’s sa John. Ang sabi sa John 8 verse 12, “Again Jesus spoke to them, saying, “I am the light of the world. Whoever follows me will not walk in darkness, but will have the light of life.” He is the great Light na dumating sa mundo na ito na puno ng kadiliman. At bilang mga Kristiyano, who has been transformed from the kingdom of darkness to the Kingdom of Light. Sinasabi ng Panginoon dito na tayo ang ilaw ng madilim na sanlibutang ito. 1 Thessalonians 5 verse 5, ang sabi dito, “For you are all children of light, children of the day. We are not of the night or of the darkness.” You are a children of Light. Hindi na tayo kaisa sa kadiliman because of the grace of God, instead we are to expose the works of darkness. Dito ay mayroong dalawang pagsasalarawan na ibinigay ang Panginoon patungkol sa “Light”: First is a city on a hill that cannot be hidden, and second is a light that ought not to be hidden because it is intended to give light to people in a house.
Ang ibig sabihin lamang, ang pamumuhay mo bilang isang Kristiyano ay dapat hayag sa lahat. Dapat nakikita ng iba. Marahil ang description na ito ng Panginoon sa Kaniyang mga disciples ay ikinagulat ng mga Scribes and Pharisees dito. Dahil ang title na ito na LIGHT ay para lamang sa mga kinikilala nilang mga Rabbi. Ngunit dito sinasabi ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga disipulo na “you are the light of the world.” Hindi itong mga Rabbi na ito, but you are the light of this world. Well in ourselves, Kahit sa ating mga sarili ay wala tayong ilaw because of our sinful nature. Ngunit paanong nangyari na tayo ay naging ilaw ng sanlibutan? Mayroong nagbigay ng illustration na noong si Kristo ay andito sa mundo, he was like the shining sun that is here in the day and gone at night.
When the sun sets, the moon comes up. Ngunit ang buwan ay nagliliwanag hindi sa sarili nitong ilaw. Paanong nagliliwanag ang buwan? It shines with reflected light from the sun. Ganun din sa ating mga Kristiyano, tayo ay ilaw hindi sa sarili nating Liwanag but because of Jesus Christ, dahil sa ilaw ni Kristo.
We live in a world of darkness. In a world, sa mundo where people reject the truth of God. Ano pinipili ng tao? Mas pinipili ng tao ang kadiliman kaysa sa Liwanag. Dahil ang katotohanan, man hates God. Man don’t like Him. Ang sabi nga sa John 1 verse 12, “He came to His own, and His own people did not receive Him.” Because men prefers darkness, their own imperfect and sinful ways. Eh ganun din naman ang sabi ni Pablo, hindi po ba sa Romans 1 tignan natin verse 21 and verse 25, “For
although they knew God, they did not honour Him as God or give thanks to Him, but they became futile in their thinking, and their foolish hearts were darkened… they exchanged the truth about God for a lie and worshiped and served the creature rather than the Creator, who is blessed forever!” Tayo ay nabubuhay sa ganitong mundo, where people call evil good. Sa panahon natin ngayon normal na lang ang magkaroon ng affair, hindi na kasalanan ang magcommit ng sex outside of marriage. Andian yung mga nagpu-push sa SOGIE Bill, andiyan yung mga pro-abortion. abortion na kung saan ang mga ito ay malinaw na kasalanan sa Bibliya. That is the kind of world that we are living in. Full of darkness. Puno ng kadiliman. At sinasabi ng Panginoon dito, as a challenge na sa kabila ng kadilimang ito, ikaw ay maging ilaw. Ikaw ay magliwanag. Ito rin ang sinasabi sa Philippians 2 verse 15, ang sabi, “That you may be blameless and innocent, children of God without blemish in the midst of a crooked and twisted generation, among whom you shine as lights in the world.” Ang purpose ng ilaw ay magbigay ng liwanag sa dilim, it’s not meant to be hidden. Same sa atin, because we are the light of the world, we should shine for Jesus. Ang ating kabanalan, ang ating mabubuting gawa ay dapat nakikita ng iba, so that they will also be drawn to glorify God. Ganun naman ang sinabi ni Peter eh di ba sa binasa natin kanina sa 1 Peter 2 verse 9, “But you are a
chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession, that you may proclaim the excellencies of him who called you out of darkness into his marvellous light.” Hindi natin kayang magbago ng buhay ng tao, we cannot save them from darkness. Ngunit responsibilidad nating mamuhay ng may kabanalan upang sila ay mahikayat natin sa Diyos. Responsibility natin to shine for Jesus so that others will see Christ and His salvation through our godly living. That’s our responsibility as light of this world.
Ang sabi nga sa verse 16, “Let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven.” Ito ay consistent na itinuturo ng Bibliya. Ikaw ay iniligtas ng Diyos in Christ, for good works. For example, in Ephesians 2 verse 10, ang sabi dito, pagkatapos sabihin ni Pablo na we are saved by grace through faith ay sinabi niya, “For we are his workmanship, created in Christ Jesus, saan? for good works.” Maging sa Titus chapter 2 verse 14, ang sabi doon, “Who gave himself for us to redeem us from all lawlessness and to purify for himself a people for his own possession who are zealous for good works.” Alam niyo kung pag-aaralan ninyo yung context ng Titus, yung mga tao sa lugar na kung saan sinulat ito sa Crete. They are, kumbaga parang mga batugan, mga masasamang tao. Pero sinasabi ni Pablo sa kanila ni dito that you have to do good works. Bakit? Para makita ng mga tao si Kristo so that they may proclaim the excellence of Christ upang sila din ay lumapit kay Kristo at magbigay ng luwalhati sa Diyos. Your good works and your holiness are what the world needs. Dahil yan ang ginagamit na instrument ng Panginoon for them to see the light of Christ. Alam niyo po isa sa mga nakamamanghang katotohanan katotohanan ng Bibliya is, when our salvation is perfected, we will be glorified, magiging katulad tayo ni Kristo in purity and righteousness. Ang sabi dito sa First John 3 verse 2, “Beloved, we are God’s children now, and what we will be has not yet appeared; but we know that when He appears we shall be like Him, because we shall see Him as He is.” Mayroon tayong kasiguraduhan dito dahil ang sabi, “whom Christ justified, He also glorified.” And so kung ganito kasigurado ang Salita ng Diyos sa ating patutunguhan ay magsikap tayo na magpakabanal araw-araw. Dahil mas ginagamit ng Diyos ng effective ang mga nag-iistrive for holiness.
Living in holiness will cost us everything, our strength, even our money, even our own lives. Maaaring humantong pa that yung mga malalapit sa atin will disown us. Ito yung nangyari kay Charles Spurgeon. Noong kasagsagan ng kasikatan niya ay naglabas siya ng ilang articles sa pamamagitan ng Sword And The Towel patungkol sa downgrade controversy. Dahil ang Baptist Union noon ay nagko-copromise sa kanilang pananampalataya. Yung Baptist Union ay lumalayo sa mga katuruan ng Bibliya. Ngunit dahil sa pagtayo niya, ay inakusahan siya na nagko-cause ng division. Tinalikuran siya halos lahat maging ang kapatid nyang si James. Kaya noong Oct. 28, 1887 ay nag-file siya ng withdrawal sa Baptist Union. Pagkalipas ng 3 buwan ay tinanggap nila ang kanyang withdrawal. Halos isang daan ang bumoto sa kanyang withdrawal at lima lamang ang tumayo para sa kanya. Ang sabi nga ni Jason K. Allen, “The controversy cost Spurgeon dearly. It cost him his friendships. It cost him his reputation. Even his own brother disowned his decision. Yet, for Spurgeon, to remain within the Union would be tantamount to theological treason. Wala pang limang taon ay namatay si Spurgeon at sa kanyang marmol ay nakasulat ang sinabi ni Pablo sa Second Timothy 4 verse 7, “I have fought the good fight, I have finished the course, I have kept the faith.” Paano ka magiging ilaw sa madilim na sanlibutang ito? Dapat ipahiya ka man ng mundo, idisown ka man maging ng mga malalapit sa’yo, we have to stand for the truth. It’s all worth it dahil ginawa mo ito in obedience to your Lord for His glory alone.
For my conclusion, Christ is the only hope of the world, apart from Him, sinners are hopeless. And we, His church are His instruments to convey this hope through the preaching of the gospel and godly living. Maraming nakakamisinterpret ng Great Commission. They think that it was given for every individual who believes in the Lord Jesus Christ. In some sense, may katotohanan naman iyon. But the Great Commission is given primarily sa church ng Panginoon. Ang sabi nga ni
Sam Waldron, “Each Christian has a responsibility as part of the visible church to help the church fulfill the Great Commission.” Ano ang responsibilidad natin sa Great Commission na binanggit dito sa ating passage? By living as “salt and light of this world.” That is our
responsibility as a church kung sinasabi nating tayo ay mga kristiyano.
Sa mga nandito, hearing this sermon at hindi ka pa sumasampalataya sa Panginoon, you are not a salt and light of this world because you are still in darkness. Kabilang ka pa rin sa mundo ng kadiliman. Anong kailangan mong gawin? Believe in the Lord Jesus Christ as your only hope in this fallen world. Siya lamang ang natatanging daan upang ikaw ay mailipat from the kingdom of darkness to the Kingdom of Light. No other died for the sins of the world but Christ alone! He is the only way to the Father! Not your good works! Not because you are a good person, hindi! Walang good person, dahil ang sinasabi sa Bibliya, lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa pamantayan ng Diyos. So al of us are sinners na nangangailangan ng righteousness ng ating Panginoong Hesu Kristo. Kaya gusto kitang i-challenge. Put your faith in Christ, and repent from your sins! Then you will receive forgiveness and eternal life.
For us believers, be different, be an influence. You are the only salt and light that this world needs. Let us pray.
Our gracious and heavenly Father, we thank you. Dahil hindi mo lang kami iniligtas sa aming mga kasalanan, but You had given us this glorious opportunity to be part of Your kingdom. Help us oh Lord to be salt and light of this world. Maraming beses Panginoon that we are not living in holiness. Maraming beses Panginoon na kami ay hindi naging magandang influences sa mundong ito. Forgive us oh, Lord, And help us by Your grace to live, na ipamuhay kung ano ang nais Ninyo sa aming buhay. Ipamuhay kung ano kami ngayon bilang mga tinubos ni Kristo sa
cross ng kalbaryo. And we are also praying for our friends here na wala pang pananampalataya sa Panginoong Hesus. Dalangin namin Panginoon na Kyo po ay mahabag sa kaniya. Ipakita Niyo po sa kanya Panginoon na siya ay nasa kadiliman pa rin. Ipakita Ninyo na upang siya ay makaalis doon sa kadiliman, kailangan niyang manampalataya kay Kristo Hesus. Upang sa ganon, siya ay mailipat sa kaharian ng liwanag. Panginoon, nawa sa Inyong biyaya, ngayong araw na ito ay maging araw ng kanilang kaligtasan. Maraming salamat po sa Inyo Panginoon. Kayo po ang aming binibigyan ng kaluwalhatian, sa Inyong Salita at sa umaga pong ito. Ito po ang aming panalangin sa pangalan po ng aming Panginoong Hesus. Amen.